
▲ 379 r/FirstTimeKo
First time ko magkakotse
First time ko magkakotse. Hindi ko lang first time kundi pati ng buong angkan namin (both sides ng magulang) kaya naluha sa gulat at tuwa ang lola ko noong nalaman nya kasi hindi sya makapaniwala(sayang di ko navideohan). As someone na lumaki sa hirap at wala talagang nakakaangat ni isa kahit sa mga tito at tita, big deal itong kotse. After years of working, after unahin ang ibang bagay(para di na bumalik sa dating hirap) dumating sa point na tingin ko kaya naman na. Ipinangako ko rin kasi ito sa tatay ko bago sya mamatay, motor pa lang kasi kinaya naming bilhin para sa kanya noon, kaso hindi nya na naabutan itong kotse.
u/CharacterConstant566 — 4 days ago