u/Charming-Rest-6935

Problem/Goal: I don’t know if I’m too much, toxic, or what. Be honest with me??? I want to know your honest advice and opinions.

24, F. Matalino, may alam sa buhay, business-minded, may itsura, caring, magaling magluto, maalaga, thoughtful, walang bisyo, hindi pala-gala, very lowkey. Pero ang problema ko talaga is masyado ba akong clingy? O demanding?

I swear to God, hindi ako materialistic na babae. Love, care, loyalty, and affection lang talaga sapat na sa akin. 4 years na kami ng boyfriend ko, and hanggang ngayon medyo nonchalant pa rin siya. Hindi pala-text o pala-chat, no VC or calls, no random assurance, hindi sweet, and hindi affectionate.

Hindi ko naman need na 24/7 akong kausapin. Gusto ko lang ng proper updates, random assurance on a random day, asking me about my day, showing interest and affection—yun lang naman yung dinedemand ko sa boyfriend ko, pero parang ang bigat sa kanya.

Lahat ng love language binibigay ko, pero ngayon parang ang hirap na ibigay kasi parang hindi naman nasusuklian. Pag ina-address ko yung problem ko, parang ako pa yung toxic o hindi makuntento.

Loyal naman yung boyfriend ko, and never ako nagkaroon ng problema sa kanya. Sadyang hindi lang talaga siya marunong sa words, hindi marunong magbigay ng assurance, kasi para sa kanya, yung every weekend na pagpunta niya sa akin (1-hour drive) eh yun na yung assurance.

Pero sa mga ex niya, grabe kung makasuyo—naglo-long message pa mag-sorry, nagvi-video call, nakakapag-send ng pictures niya, at nakakapag-call. Pero sa akin, never siyang nag-send ng selfie or picture niya, never nag-VC. Pag umuuwi ako sa province namin for about a month, never siyang nagse-send ng picture, at never kami nag-uusap via video call or voice call—as in, never.

Nung sinabi ko na buti pa sa mga ex niya, panay siya magbigay ng assurance, panay video call, at nagagawa niya yung mga bagay na hinihingi ko pero sa akin hindi, ang sinasabi niya lang ay, “Iba pa dati, bata pa ako noon, immature pa.” Hindi ko ma-gets yung logic.

Loyal naman yung boyfriend ko, hindi ako binibigyan ng sakit sa ulo, pero minsan hindi ko rin talaga maramdaman kung mahal ba ako o ano ba.

Pero pag magkasama naman kami, hindi ko pa rin ramdam yung full presence niya kasi panay cellphone—naglalaro o nagso-scroll sa social media. Nung in-address ko sa kanya, sinabihan pa ako na lahat na lang daw bawal o mali.

Hindi siya nag-i-“I love you” kung hindi ako ang mauunang magsabi.

Eto pa—alam niyang big deal sa akin ang LSM tuwing monthsary, pero nitong recent monthsary namin, walang LSM kasi paulit-ulit na raw yung mga sinasabi niya sa message niya.

Pero para sa akin, simula nung tumagal kami, hindi na siya nagra-random long message ng appreciation and assurance. Kaya sabi ko, kahit man lang sa monthsary namin ibigay niya yun. Tapos sinabi ba naman niya na paulit-ulit na kasi yung sinasabi.

Inintindi ko na lang, pero yung part na nasaktan ako is hindi man lang niya ako binati ng “Happy monthsary” kung hindi pa ako nag-send ng LSM. Sa buong araw naming nag-usap nung monthsary namin, wala talagang greet. Binati lang niya ako nung sinend ko na yung LSM ko sa kanya, sabay sabi na hindi na siya maglo-long message.

Ewan ko ba kung OA lang ako o ano.

Dati naman kaya niya akong bigyan ng assurance, and dati naman paminsan-minsan nagse-send siya ng long message of appreciation. Tapos ngayon, hindi na siya affectionate—parang ako na lang yung palaging humahawak, yumayakap, at humahalik.

Gusto ko rin ng affection, hindi yung kailangan pang hingiin.

Tapos ngayon, sinabi niya sa akin na hindi na niya ako pahinga kasi parang lahat na lang daw bawal. Nagalit kasi ako sa kanya last time kasi kahit hindi siya busy sa work, hindi man lang niya ako makamusta, samantalang ako, palagi ko siyang kinakamusta.

Lahat-lahat ng love language binibigay ko.

Ang sinasabi niya lang sa akin, hindi lang daw talaga siya enough kasi nasa actions naman daw niya, hindi lang daw talaga siya into words. Pero before, nabibigay naman niya yun.

Inintindi ko pa rin, pero parang hindi ko na kaya tumagal sa ganitong relationship.

Pagkatapos ng work niya, usap sandali tapos buong gabi na maglalaro. Pag magkasama kami sa weekends, nasa cellphone naman—naglalaro—walang maayos na quality time. Magagalit pa pag sasabihin kong palagi na lang divided attention niya.

Am I too much, or kailangan ko na siyang i-confront??

reddit.com
u/Charming-Rest-6935 — 20 days ago