I lost hope.
As a trentahin na hindi pa nagkakajowa ever since, nawawalan na ako ng pagasa makatagpo ng totoong pag ibig. Hindi ko alam, basta nawalan na lang ako ng pag asa na may makakasalamuha o darating o may para sa akin. Feel ko nag stop na ako humiling sa Diyos kasi nakakapagod, sure ako na naririnig naman ni Lord pero wala talaga eh. Hindi ko malaman kung ano sagot nya, kung pinapahintay nya ba ako o wala lang talagang para sa akin pero parang tanggap ko na na baka wala nga. Pero malungkot pala kasi gusto ko talaga magkapamilya pero paano naman kung lahat ng nabibigyan ko ng chance kausapin e hindi mga seryoso, hindi compatible, in other words hindi naman para sa isat isa.
Siguro, mas gugustuhin ko pang mawala na lang kesa tumanda akong mag isa sa buhay kasi parang ang lungkot lungkot. I don't know, baka emotional lang talaga ako ngayon kaya nasasabi ko ito. di ko maiwasan icompare sarili ko sa mga kabatch ko, tinatanong ko ano bang meron sila mga ganun haha parang pakiramdam ko kasi hindi ako kamahal mahal. Yung personality ko pa hindi outgoing o loud, hindi rin gumigimik. Mga ganung bagay. Haha. Ganito ata talaga pag mga trentahin na, nagooverthink at nagwoworry. Dont lecture me na negative thinking lang ito kasi valid yung nararamdaman ko and I know may mga makakarelate din dyan. Guys, I feel you, mahigpit na yakap!