Problem/Goal:
Kailangan ko po ng advice tungkol sa relationship ko. 29 years old po ako, babae, at 9 years na po kami ng boyfriend ko. Lately, napapansin ko po sa phone niya, sa threads at feeds niya, na nagsesearch siya ng mga tungkol sa girls tulad ng “tight pussy,” call girls, at parang mga content na naghahanap ng ka-sex.
Bilang girlfriend niya, sobrang nasasaktan po ako kasi hindi ko alam kung normal lang ba iyon dahil lalaki siya, o may ibig sabihin na ba iyon sa relasyon namin. Napapaisip po ako kung baka hindi na po ako attractive sa kanya o baka may kulang sa akin bilang partner
.
Context:
Sa totoo lang, sexy naman po ako at inaalagaan ko rin ang sarili ko, pero bilang babae, hindi ko maiwasang magduda sa sarili ko kapag may ganitong nangyayari. Minsan naiisip ko rin na baka kailangan kong mas pagandahin pa ang sarili ko, kaya gusto ko sanang mag-gym mag-isa para maging physically fit at mas confident.
Pero kapag sinasabi ko iyon, nagagalit naman siya at parang ayaw niya akong payagan. Doon po lalo akong nalilito dahil gusto ko lang naman ayusin ang sarili ko pero parang may kontrol siya sa mga gusto kong gawin.