u/Chemical-Act-2461

19(M)

Hi guys! Gusto ko lang i-share experience ko about lending apps.

I’m 19 years old and umaasa lang ako sa allowance. Minsan nagigipit kaya naisipan kong mag-loan. Yung first loan ko, 2k tapos ang binayaran ko is 4k—yes, doble pala siya. Pero nabayaran ko naman kaagad at hindi na ako na-OD.

After that, chinecheck ko yung app tapos biglang tumaas yung loan limit ko to 8k. While checking yung details, na-accidentally click ko yung “apply for loan” (oo, tanga talaga ako HAHAHA). Nataranta ako kasi wala namang cancellation button. Umabot ako sa CS at tinanong ko kung pwede pa ba i-cancel yung loan since accidentally lang. Ang sabi nila, bawal na daw kasi na-processed na.

Ayun, ilang weeks kong tinipid allowance ko para lang mabayaran. Tapos naisip ko pa ulit: mag-loan sana ulit para mabayaran yung malapit na due… buti na lang sinupportahan ako ng girlfriend ko at pinagsabihan akong wag na, kasi baka mabaon lang ako sa utang.

I just want to tell you guys na kaya niyo yan. Wag na kayong mag-loan para lang pambawi sa due. Mag-ipon kayo at unahin niyo yung mental health niyo.

reddit.com
u/Chemical-Act-2461 — 10 days ago