Ganto ba talaga?
Ganito ba talaga ang feeling pag sunod-sunod ang interview pero wala pa ring job offer? Puro na lang final interview. 😭
Tapos pagdating sa expected salary, babaratin ka pa kesyo "province rate" kahit may experience naman na. Hay, nakakapagod maghanap ng work. Paulit-ulit 'yung questions, nag-iiba lang 'yung nagtatanong at kung kanino ko sinasagot.
Nakaka-overwhelm na ewan. Pero sabagay, okay na 'to kaysa naman walang tumatawag ulit.
Kayo, kamusta job hunting niyo?