Parang ayaw sa akin ng mundo.
Di ko alam kung bakit pero parang ayaw sa akin ng mundo. Pag nagbabalik tanaw ako wala naman akong ginagawang masama sa ibang tao, hindi din ako nangangapak ng ibang tao para sa pang sariling hangarin, mabait naman ako, tumutulong sa kapwa at pamilya, pero bakit kaya ganun? Parang ayaw sa akin ng mundo. Unlikeable kahit wala ka pang ginagawa. Unwanted kasi ayaw naman ako ng pamilya ko kasi di naman ako planado. Hindi ko alam kung saan ako belong. O baka wala talagang akong matatawag na belong ako. Minsan nakakapagod kasi ginagawa mo best mo para makisama, magustuhan, or ituring ng tama ng mga tao, kahit irespeto ka man lang bilang isang tao, pero kahit anong gawin ko di ata talaga ako belong sa mundong to. Sana sa susunod na buhay meron akong matatawag na pamilyang akin, merong may mga totoong magmamahal sa akin. Hindi dahil sa kung anong kaya kong ibigay para sa kanila, kundi mahal nila ako ng walang kailangang katumbas. Sana sa susunod na buhay gustuhin ako ng mundo, kasi gustong-gusto ko tong mundo na to pero parang ayaw niya sa akin.