u/Clajmate

Burong MANGGA!

Burong MANGGA!

so ito na guys sabi 2days bago buksan kaya tatry ko ung tips nung napanood kong video
1st time ko lang gumawa nito, matagal ko na gusto gawin kasi nasisira lang dati ung mga mangga dito ngayon ito na sila ngayon, naka8 mangga ko para dito sa 2 jar na to.

thanks pala dun sa mga nagcomment sa kung ano pede gawin sa mangga,
nagawa ko na ung sinigang sa mangga (ok naman sya) at atsara (failed) ung atsara sakin 1 is to 1 pala mas ok na ratio ng sugar at suka. also muscovado kasi ginamit ko kaya ang dark nung kulay nya di sya appealing sa mata kaya di ko na pinost dito kasi pang kabilang sub un.

anyways may pinagkaiba sa timpla tong dalwang to
ung maliit na mataba sugar/cane vinegar ni osave/asin
tas ung matangkad
sugar/cane vinegar ni silver swan/patis

nung tinaste test ko mas ok silver swan kaya dinamihan ko ung sili nya compare dun sa matabang jar.

edit ko to pag natikman ko na. baka gumawa let ako atsara ung white sugar na gamitin ko pitas lang let ako mangga

u/Clajmate — 13 hours ago

Fried fish with dice mango and bagoong + sinigang na bangus sa mangga

Gemini template kaya may watermark

so dapat sinigang na bangus sa mangga lang dapat for today kaso sobrang gutom ko na di na ko nakapagready ng lulutuin kaya pinrito ko nalang ung gilit tas hiwang mangga at ung natirang bagoong (kala ko madami pa) solid naman gusto ko talaga ung malutong na isda kaso minadali ko na yan. nageffort ako sa rice bara bara lang talaga ko kumuha ng kanin pag walang picture.

sa dinner naman maaga ko niluto kaya maliwanag pa kasi magluluto pa ko nung suka ng pang atsara at baka maya2 pede na yung atsara.

anyways nasarapan si mudra sa sinigang at nasarapan din ako wala ung lasa ng powder like pampaasim na alam mong powder. di sya ganun kaasim kasi mali ako ng gamit dun sa food processor naging pang atsara ung hiwa nung una kong attempt eh pag nagluluto kasi ko nakabukas na ung kalan tas dun ako maghihiwa kaya panic malala.
ok naman sya first time.

will try the shake tomorrow pag d ako nasarapan sa atsara ko, kasi pag masarap ung atsara baka gumawa pa ko bibigay ko sa pinsan ko.

u/Clajmate — 8 days ago

Aside sa papakin, anong pa ang pwede gawin sa mangga?

Ang asim! buti swabe sa asin.

Medyo marami rin akong napitas kanina. Naisip ko agad yung usual na sinasahog sa kamatis at itlog na maalat, pero kung araw-arawin, nakakasawa rin. Ano pa kaya ang puwedeng gawing kombinasyon?

Gusto ko rin sanang mag-try ng buro, kaso nakalimutan ko na yung lasa nun kung worth ba siya, pang-ulam ba o pampapakan lang.

u/Clajmate — 9 days ago