u/Commercial_Leg1747

Problem/Goal:

Hi I'm 28 years old and may boyfriend is a Seaman (26)

10 yrs na kami ng boyfriend ko at sa kanila nako nakatira (live-in almost 6yrs na) isang syang seaman ngayon at ako nagwowork lang sa provice namin as Admin sa isang school. Okay kami nung umalis sya pero nung mga kalagitnaan na ng pag sampa nya medyo nagkakagulo na kami about sa pera. Ang sabi nya sakin bago sya umalis na sya bahala sakin at sa kanila ko tumira. Nagpapadala sya ng pera nung una pero nung makalipas ang ilang buwan hindi na kasi mag iipon na daw sya at pag uwi nalang daw sya babawi. Umokay ako kasi baka sobrang pagod nya dun at baka yung pera nya at pinapahalagahan nya. May times na nanghiram din ako sa kanya kasi kaylangan ng mama ko pampacheck up kaso nung nanghiram ako ang sama ng loob nya at kung ano ano sinabi sakin na kesyo ang hirap hirap dito "ganyan, ganto". Nalulungkot lang ako kasi nug walang wala sya ako yung nag proprovide kahit nung pag alis nya maskinsweldo ko sa kanya ko binigay para may pambaon lang sya. Wala syang narinig sakin na kahit anong reklamo. Pero nung ako na nangailangan ang dami nyang sinasabi bago nya ko pahiramin na babayaran ko naman. Alam ko madaming magsasabi na bat dika mag hanap ng ibang work. Gustuhin ko man ayaw nya ko pagtrabahuhin sa malayo. Medyo dina din kami okay gawa ng nag aaway na kami. Medyo nahihirapan ako ngayon kasi may aso pa kami na same din ng pagkain sa tao at ang mahal pa ng pamasahe kahit yung sweldo ko diko na mapag kasya. Nahihirapan na din ako na gusto kona lang umalis sa buhay nya at ipursue yung pangarap kong magbarko na din.

reddit.com
u/Commercial_Leg1747 — 15 days ago