u/Commercial_Region926

Promise ring daw to hindi engagement ring

We've been together ng 2 years na. Very transparent kami sa wants namin. Napagusapan namin anong engagement ring gusto. Sabi ko emerald cut. Wala na ako pake kung gold or silver ang band, or totoong diamond man o lab grown sya, kahit nga bilhin nya ng mura o mahal basta galing sakanya at emerald cut yun lang gusto ko talaga. The rest sya na magdecide kung paano sya mag propropose o ano man gusto nya idagdag doon sa request ko.

Then this week out of nowhere naglabas sya ng ring box. Then asked me "sigurado ka ba sakin? Kasi I want you to have this". Ako naman I said "Yes". Then linabas nya emerald cut na naka cathedral setting na ring.

Tapos sinabihan nya ako na promise ring lang sya. Medyo na hurt ako kasi this specific cut I want is for an engagement ring sana. Kung promise ring sya bakit yung gustong gusto kong cut ang ginawa nyang promise ring tapos naka cathedral setting pa. Pinasuot pa nya sa right hand ko kasi hindi sya engagement ring.

I feel na baka OA lang ako for being hurt like this. Kasi how will I react on the actual engagement ring kung mag bibigay pa sya ng exactly the same ring. Eh nabuhos na yung emotions, excitement, and luha ko dito sa first one. Sabi nya he'll get me a better one. But ewan. I feel something was drained na sakin. 🥺 o baka OA lang talaga ako. I should be grateful that this happened than complain.

reddit.com
u/Commercial_Region926 — 3 days ago

Basta malagyan ng famous brand name "Take my money" agad

Maganda sana kung may support tayo sa mga local crafters and locally made products. Feel ko lang naman magiging ube fever lang din to. Ibang bansa ang mauuna na ma exploit ang popularity ng isang raw material na galing satin tapos tayo naman mabibilib lang pag plastered na ng foreign brand name. Tapos pag local ang may gawa walang awang tatawarin pa ang presyo na kesyo dito lang gawa hindi imported.

u/Commercial_Region926 — 14 days ago