Ano pinakamalalang effect sa inyo ng PCOS? Sakin grabe ying hirsutism ko to the point na tinatamad na ko bunutin, kapagod na.
u/CommonDrink6217
SKL, nag-apply dati yung mama ko sa 4Ps nung namatay yung papa namen and bata pa kame non tatlo pa kameng nag-aaral paglapit nya daw don at nagpasa nung papel sinabi daw sa kanya na hindi kame tatanggapin kase mukhang may kaya naman daw kame. Nakakabwisit lang na kahit ilang beses na si mama nag-aapply para don di talaga sya tinatanggap. May sarili kaming bahay at maliit lang dahil daw don, si mama kakasimula pa lang sa trabaho halagang 2k pa dati sahod nya sa isang buwan dito sa center samin diko din alam kung pano kame nabuhay, kundi pa kame pinag aral ng mga tiyahin ko noon baka hindi kame nakapagtapos. Naalala ko lang yung itsura ni mama na pagod na pagod at nagiisip kung saan kame kukuha ng pangkain at pambayad ng bills, yung umuuwi sya galing sa pag aapply sa 4Ps na nakangiti samin at sasabihin na di sya natanggap. Ngayon senior na si mama at kakagraduate ko lang naghahanap pa ng work tapos yung kuryente namen pagkataas taas kahit wala kaming tv. Ewan ko ba kawawa na mga tao sa pinas.