My BF cheated on me and I'm afraid I am being toxic...
problem/goal: I have a problem that has been going on for 5 months already. My boyfriend of almost 2 years cheated on me with his coworker. Umamin siya sa akin at during that time gusto ko na lang maging bato. Akala ko maapply ko sa sarili ko yung advice na kapag niloka ka, iwan mo na pero pinili ko pa rin siya.
context: He's the best guy I have ever known. Sobrang gaan ng loob ko sa kanya. Malaki tiwala ko not until nalaman ko he's been going out with this girl... Long story short (ayoko na i-share naiiyak ako HAHAHA) PERO ito nga... He's been trying to fix our relationship. At ako rin gusto ko magbigay ng chance. Kasi nakikita ko yung effort niya, kaso mga 1 month ago di ko alam naka-log pala google niya sa phone ko. Nalaman ko na he's been using online websites like omegle, mga chat with strangers ganon.
i felt betrayed once again since i thought during those times we were fixing us. pero si gaga nag-stay pa rin huhu. since then sobrang praning ko. lahat chinecheck ko. ultimo account nung naging kabit niya.
ang sabi ng counselor ko hindi healthy balik-balikan yung nangyaring kasalanan. lalo na kung nag desisyon naman na ako mag-stay at piliin pa rin ayusing yung relationship namin. pero tulungan niyo ako kasi sa sobrang praning ko na at pag ooverthink, ramdam kong npapagod na rin siya iparamdam sa akin na tumigil na siya at nagbabago na.
hindi ko alam kung worth it pa ba na pilitin namin ayusin kasi sinabi niya sa akin pakiramdam niya wala na siyang kahit anong privacy kasi lahat nakalikot ko na...
ayoko na rin balikan ung mga nangyari pero paulit ulit ko pa rin natatanong at nababanggit, gusto ko lang naman ng assurance na wala ng lokohan.