u/Complete-Count-5863

Na-scam ako ng ₱2,800 ngayon sa Telegram group na BINGX may chance pa ba kaya na mabawi? 😭

Hindi ko akalain na magiging isa ako sa mga taong ma-scam, pero unfortunately, nangyari talaga sa akin ngayon. 😭

May nakausap ako sa Telegram group na BINGX tungkol sa isang opportunity na kapag nagbayad daw ako ng ₱1,500, makakatanggap ako ng ₱20,000.

Naniwala agad ako kasi hindi lang siya basta nag message sa akin privately. In-add niya ako sa isang Telegram group na maraming members at maraming positive reviews. May mga screenshots ng GCash transactions na nagpapakita raw na nakatanggap sila ng malaking amount, at may mga videos din na parang proof na successful daw yung process at legit daw talaga siya para mag invest ng money.

Dahil maraming mukhang legit na testimonials, screenshots, at videos, akala ko talaga totoong opportunity siya. Hindi ko naisip agad na possible pala na fake or staged yung mga screenshots, reviews, at videos.

Bilang fresh graduate na wala pang trabaho, umasa talaga ako na baka makatulong ito sa financial situation namin. Kaya nag-send ako ng ₱1,500 through GCash.

Dito nagsimula yung problema.

After kong mag-send ng ₱1,500, sinabi niya na kailangan ko raw magbayad ng additional ₱2,800.

Ang explanation niya, kailangan daw yung ₱2,800 para ma link yung GCash number ko sa company, since first time ko pa raw mag invest sa company nila.

Ang problema, wala siyang sinabi sa akin from the beginning na may additional fee pa pala bukod sa ₱1,500.

Ang buong akala ko noong una ay ₱1,500 lang ang kailangan kong bayaran, dahil iyon ang amount na sinabi nilang kailangan kong i-invest para makuha yung ₱20,000. I thought yung ₱1,500 na iyon na mismo yung magiging investment ko, at wala nang ibang additional payment na kailangan.

Kung sinabi lang sana sa akin from the start na may ₱2,800 linking fee pa pala pagkatapos ng initial payment, hindi sana ako nagpatuloy.

Unfortunately, ₱1,300 na lang ang remaining balance ko that time. Sinabi ko sa kanya na hindi ko kayang bayaran yung buong ₱2,800.

Ang sabi niya sa akin, “Okay na yung ₱1,300.”

Kaya dahil sinabi niyang enough na iyon para ma-process at ma-release yung pera, nagtiwala ako at sinend ko yung ₱1,300, which is that was already the remaining money I had.

So ang total na na send ko ay:

₱1,500 + ₱1,300 = ₱2,800

After kong mag send ng ₱1,300, bigla niyang sinabi na declined daw at kulang pa raw ng ₱1,500 para ma access niya yung profit.

Doon talaga ako nagalit at na-realize ko na may mali.

Ang kinagalit ko talaga ay sinabi niya mismo na okay na yung ₱1,300, kaya sinend ko yung money. Kung hindi pala sapat, bakit niya sinabi sa akin na okay na?

Ngayon, pagkatapos kong maipadala yung ₱1,300, sinasabi naman niya na kailangan ko pa raw ng another ₱1,500.

Gusto ko lang mabawi yung ₱2,800 na naipadala ko.😭

Agad kong ni report sa GCash yung dalawang transactions. Sinave ko rin lahat ng screenshots ng conversation sa Telegram, GCash receipts, reference numbers, at details ng accounts kung saan ko pinadala yung pera.

Nangyari lang ito ngayon, kaya umaasa pa rin ako na baka may magawa pa at may chance na mabawi kahit papaano yung pera.

Ang pinakamasakit, malaking halaga na sa akin ang ₱2,800, lalo na sa situation namin ngayon. Fresh graduate ako, wala pa akong trabaho, at currently naghahanap pa rin ako. Kailangan din namin ng pera sa bahay kaya sobrang guilty, stressed, at disappointed ako sa sarili ko.

Paulit-ulit kong naiisip kung bakit ako naniwala at bakit hindi ko agad napansin na scam pala. 😭

Alam kong nagkamali ako, pero gusto ko sanang malaman kung may naka experience na rin ba ng ganito.

May chance pa ba na mabawi ang pera kapag na-report agad sa GCash?

May iba pa ba akong kailangang gawin bukod sa pag-report sa GCash?

Kung may naka experience na ng similar situation, please share naman kung ano ang ginawa ninyo at kung na-recover ninyo yung money.

Please huwag sana akong i-judge. Sobrang nagsisisi at stressed na talaga ako sa nangyari. Gusto ko lang sana malaman kung may possible way pa para ma-recover yung pera at para ma warningan din ang ibang tao na huwag basta maniwala sa ganitong opportunity.

P.S. The Telegram group involved was BINGX. Please be careful and verify everything before sending money.

Lesson learned: Hindi porket maraming members, positive reviews, GCash screenshots, at videos sa isang group ay automatic na legit na. Huwag magpadala ng pera para lang makatanggap ng mas malaking pera, lalo na kung hindi malinaw from the beginning ang lahat ng fees at requirements.

reddit.com
u/Complete-Count-5863 — 2 days ago

Fresh grad na halos 3 months nang unemployed. ang sakit kapag kailangan mong patunayan sa kanila na nagsisikap ka

Sakit lang talaga sa feeling na parang kailangan kong makahanap agad ng work para mapatunayan ko na nagsisikap ako at talagang naghahanap ako ng trabaho. Fresh graduate ako, almost 3 months na akong naghahanap, and honestly, ang bigat na rin at ang pressure na.😭

Pinakamasakit sa akin yung kinukumpara ako ni Mama sa mga kapitbahay namin at sa mga pinsan ko. Kahit nagpapanggap akong hindi naririnig at parang nagbibingi-bingihan ako, bigla na lang tumutulo yung luha ko. ☹️ Hindi ko naman gustong ikumpara yung sarili ko sa kanila, pero ang hirap kapag paulit-ulit mong naririnig mula sa sarili mong pamilya.

Masakit din kasi parang nakalimutan nila, or maybe hindi nila na-appreciate, na matagal din akong nag woworking student habang nag-aaral.
For 6 years, working student ako sa side ni Papa. Grabe yung pinagdaanan ko noong time na yun. Sobrang aga kong natutong maging independent at maging adult. Walang maghahanda ng pagkain para sa akin, wala akong Mama na katabi or nandiyan para alagaan ako at asikasuhin o kaya naman wala akong Mama na gigising sa akin. Kailangan kong kayanin lahat.

Bawal mapagod. Bawal magreklamo. Kahit sobrang pressured na ako sa school, laban lang. Bawal magpahinga kasi may trabaho pa akong kailangang gawin.
Kaya minsan, naiinggit ako sa mga classmates ko na nakatira lang sa bahay at hindi kailangang mag-working student. Nakikita kong masaya sila kapag walang klase kasi makakapahinga sila. Ako naman, kapag walang klase, hindi rin ako masaya kasi alam kong hindi ibig sabihin nun na makakapahinga ako. May trabaho pa rin ako.

Kaya gusto ko lang talagang maintindihan nila na hindi ako tamad o wala akong ginagawa. May pangarap ako, madami. I am trying. Sobrang sinusubukan ko.
May isang bagay din na sobrang sakit para sa akin pero hindi ko kayang sabihin sa family ko nang direkta, kasi pamilya ko sila at mahal na mahal ko sila. Kahit minsan ako yung nauubusan, okay lang sa akin basta alam kong okay sila. Ganun ako ka-selfless kapag pamilya ko na ang pinag-uusapan.

Kaya masakit din kapag yung mga taong patuloy na nagpe-pressure sa akin na maghanap ng trabaho ay parang nakakalimot na wala naman silang ginastos kahit piso sa pag-aaral ko. Sorry kung medyo harsh pakinggan, pero yun talaga yung nararamdaman ko ngayon.

And lately, may realization ako tungkol kay Mama.
Siguro aminado rin ako na nasanay ko siyang i-spoil noong college pa ako. Kapag umuuwi ako sa anin saglit may dala akong pera para sa kanila. Kapag may birthday sa bahay, bumibili ako ng gifts. Every Mother's Day, may flowers at cake. Kapag may ino-order ako online, gusto ko meron din si Mama at mga kapatid ko. Hindi naman nila hinihingi. Ako mismo ang gumagawa.

Naaalala ko pa nga na nanghiram ako ng pera sa ate ko para sa school kasi kulang allowance ko kay may binayaran ako sa school noon, tapos ako sinabihan ako ni ate. Sinabi niya, bakit daw ako bigay ng bigay eh nag-aaral pa naman ako dapat daw iniipon ko iyon. Tama nga siya.

Pero ganun talaga ako noon. Kapag may pera ako, parang hindi ko kayang isipin na akin lang yun. I would feel guilty kapag may sarili akong pera at may gusto akong bilhin para sa sarili ko habang alam kong baka may kailangan sila.
Parang ganito yung mindset ko, okay lang na wala ako, basta meron sila.

Kaya ngayon, iniisip ko tuloy na baka disappointed si Mama sa akin kasi wala na akong maibigay. Wala na akong allowance. Wala na rin akong sariling income. At baka nasanay sila na kapag umuuwi ako, may dala akong pera or may mabibili para sa kanila.

May mga bagay din akong napapansin ngayon sa mga kasama ko sa bahay.
Yung younger sibling ko, almost 3 years nang unemployed at matagal na ring tumigil sa pag-aaral. Walang trabaho hanggang ngayon. Napansin kong may laman yung GCash niya. Nag-try akong manghiram muna sa kanya, pero tinanong ko pa siya kung may laman ba talaga kasi baka wala naman. Sinabi niya sa akin na wala siyang pera. Nag ppilot ng ML accounts kaya minsan may minsan nag kakapera din sya din na siya.

Hindi naman ako galit dahil hindi niya ako pinahiram. Hindi ko naman obligasyon na pautangin niya ako.
Pero ang sakit lang kasi dati, kapag may nabibili ako online, gusto ko meron din siya. Kapag may pera ako habang nag-aaral, iniisip ko rin siya, nagbibigay ako.Parang kapag may meron ako, gusto kong meron din sila.
Pero ngayon, ibang-iba na ang feeling kapag ikaw naman yung wala.
Siguro ito yung pinaka-masakit na realization ko ngayon.

Makikita mo talaga kung paano ka itrato ng mga taong kasama mo sa bahay kapag wala ka nang trabaho, wala kang sariling pera, at wala ka nang maibibigay sa kanila.
Hindi ko sinasabing masama silang lahat. Mahal ko ang pamilya ko. At hindi ko rin sinasabing may utang sila sa akin dahil tumulong ako noon.

Ang gusto ko lang sana ay maintindihan nila na hindi ako naging tamad ngayon. Pagod lang ako. Pressured ako. Nasasaktan ako. At higit sa lahat, sinusubukan ko pa rin.
Gusto ko ring magkaroon ng trabaho. Gusto ko ring maging independent ulit. Gusto kong may maipakita sa kanila na kaya ko. At gustong gusto ko na din makatulong sa bahay.

Pero sana, habang hinahanap ko yung trabaho na yun, hindi nila iparamdam sa akin na parang wala akong silbi dahil wala pa akong maibigay.
I am still trying. Please don't make me feel like I'm not.😭

reddit.com
u/Complete-Count-5863 — 4 days ago