u/Constant-Bat1272

Problem/Goal: Parang gusto ko icut-off side ng father ko.

Context: Papa has been in the hospital for almost 3 weeks now. He had surgery for his unruptured aneurysm. Unfortunately, he suffered a stroke during the operation, kaya half ng body niya paralyzed and di rin sya nakakasalita.

Aware mga kapatid and even yung lola ko sa sitwasyon niya and ininform ko rin sila na need si papa kausapin nang kausapin as advised by his doctor. More than a week wala halos malay si papa dahil naging critical ang lagay niya. Only my mother's siblings visited and extended help. Sa side niya, wala.

Nakakasama ng loob kasi nung peak ni papa, siya bumuhay sa parents niya. Always tumutulong sa mga kapatid pag kinakapos. Siya rin nagcover sa bills ng pinsan ko nung naospital at mag-50/50 sa hospital nung mga panahong binubuntis pa lang ako. Feeling ko pasan namin ng mama ko lahat. Mas magaan sana kung meron man lang moral support or presence nila kaso wala. Alam naman nila ang sched ng visitation at kung saang hospital. Naaawa ako sa papa ko kasi di man lang nareciprocate kabutihan niya noon.

Now, I'm thinking about cutting them off completely. Mas pamilya pa yung mga tita/tito ko sa side ni mama. Alam ko di naman sila makakahelp financially pero sana kahit pagbisita lang magawa nila. Btw, pangatlo na si papa sa kanilang magkakapatid na stroke. Yung 2 completely paralyzed din and naputukan ng ugat.

Luckily, yung live in partner ko has always been supportive. Di man siya nakakadalaw kasi nagsside hustle siya during weekend and after work para may pandagdag sa allowance ko pag nasa hospital.

Valid ba tong nararamdaman ko?

reddit.com
u/Constant-Bat1272 — 24 days ago