I’ve been carrying this for years
Nung nursing student pa ako, nag-duty kami sa hospital ward. Dalawa kaming groups, tapos may CI kami na kilala talagang strict. First time ko noon sa bedside, lalo na sa pag-administer ng meds. To be honest, wala pa talaga akong masyadong alam. Sobrang kabado ako, and ramdam ko na yung ibang classmates ko parang mas confident na, mas may alam kaysa sakin.
Mas lalo pang naging mahirap kasi yung way ng CI namin mag-correct, parang napapahiya ka talaga. Imagine, 4 beds sa isang room, may mga pasyente at bantay pa. So bawat mali, parang ang laki ng impact. Nakita ko pa lang na napapagalitan yung iba, kinakabahan na ako lalo.
Then dumating yung turn ko. Sobrang nanginginig ako inside, pero ginagawa ko naman yung best ko kahit alam kong kulang pa ako. Hanggang sa hindi ko sya ma perform ng maayos, pinapalabas ako ng room. Kita ko sa mukha nila yung panghuhusga, sa muka ng mga kaklase ko, sa muka ng pasyente at sa muka ng mga bantay na pamilya nila.
After nun, kinonfront niya ako sa harap ng group namin. Tinanong niya ako kung gusto ko ba talaga yung nursing. Bago pa ako makasagot, may isang classmate na nagsabi na kung di ko daw gusto, sana hindi na lang ako nagpatuloy sa nursing. Wala naman isang luha na pumatak sakin. Ayoko nalang din dramahan yung duty, pinagpalagay ko lang na wala lang sakin na dapat tuloy lang sa duty at marami pa task na gagawin. Like hindi ko sila masisisi kasi first time ko lang rin may pagka slow learner ako sa skills pero willing naman ako maturuan at matuto.
Pero sa experience ko na to, Dito talaga ako nadurog.
After that day, iba na yung pakikitungo nila sakin. Parang unti-unti silang lumalayo. Ramdam ko yung pagkawala ng respeto nila. Kahit sa simpleng bagay, like upuan, parang pinag-iinitan na ako, sa mga task kung kaya ko daw ba na lagi silang nag aabang sa pagkakamali ko. I felt isolated, judged, and not good enough—lalo na sa time na nag-uumpisa pa lang ako matuto.
Tuloy tuloy duty namin, sa bus nalang ako umiiyak pauwi samin.
First time ko pa lang sa bedside duty noon, pero imbis na matuto ako, naging core memory siya ng takot at hiya.
Fast forward to now, RN na ako. Pero dala-dala ko pa rin yung experience na yun. It really crushed my confidence, and hanggang ngayon minsan bumabalik yung fear na yun.
I know matagal na yun, pero may mga bagay talaga na hindi basta nawawala. Tahimik mo lang silang dala, pero naaapektuhan ka pa rin.