u/Constant_Standard_15

Hi! Sa mga students here, approximately how much nagagastos nyo per sem sa materials and equipment? Any tips on how to manage the costs?

Nagdadalawang isip kasi ako kung itutuloy ko pa Dentistry sa UPM (kung makapasa man sa dexterity exam). Ang first choice ko talaga is Pharmacy kaso waitlisted ako dun.

Nagresearch ako and nanood ng mga videos/vlogs from dentistry students para mamotivate and honestly, nakakabaliw yung gastos sa materials and equipment. But at the same time, the more I watch, mas nagugustuhan ko yung course.

My main concern is the expenses. One of the reasons nag UP ako is para hindi na masyadong mabigat sa gastos para kay mama, tapos mapupunta pa ako sa course na kilala sa pagiging mahal.

DOST lng inapplyan kong scholarship kasi set talaga ako sa Pharmacy noon. Sabi ni mama okay lang sa kanya if Dentistry ang kunin ko, pero nag-aalala pa rin ako. Nurse sya and malaki kinikita pero lima kaming magkakapatid, so minsan nagkakaroon pa rin siya ng utang. May dalawa akong kapatid na nagtatrabaho na and hati na silang tatlo ni mama sa pagbayad ng bills pero hindi pa rin talaga nawawalan ng utang.

Thank you so much in advance po sa mga magrereply

reddit.com
u/Constant_Standard_15 — 16 days ago