Career advice sa confused at pressured new grad at first time adult lol
I graduated last Sept 2025. Nagkaroon ng temporary work for 5 months as a teacher and ngayon unemployed na ulit. Pwede bang manghingi ng realistic advice kung ano nang gagawin ko sa buhay ko.
I am now unemployed for 2 months. Nagkaroon ako ng work last year from Nov to Apr as a teacher. Kaso hindi ko kinaya yung workload (8 different subjects ang handle ko) at baba ng sweldo (11.5k) at parang hindi ko na rin talaga kaya mag teacher dahil pare-parehas lang naman ng offer at situation/workload ng teacher dito sa pinas. After ng work ko don parang nawalan na 'ko ng tinitignan na direction sa buhay. Akala ko kasi teacher na yung magiging career ko pero sinampal talaga ako ng real world.
Ngayon, hindi ko na alam kung ano uunahin ko. Para akong na b-blanko dahil na overwhelmed ako sa pressure ng buhay. First time ko lang naman maging adult. I crave for a career na gagawin ko for a long run pero hindi ko rin maman na alam kung anong gusto ko
Nag ta-try ako ngayon ng WFH/flexible schedule na work (Dynata) as a temporary work. Balak ko sana mag take ng LET this Sept para lang matapos ko na yung ties ko dito educ field at para matahimik na ang aking mudrakels.
Add: Baka may mga Educ grads dito na nag-change career, pabulong naman ng advice on how you did it at anong career na po ang tinatahak n'yo ngayon.