Autistic nga ba ako?
F(22) nako but still making a bad decisions , delulu , maling perspective sa buhay . Everyday im living on this talaga . Back when i was only 4 or something 5 years old Naalala ko na lagi ako nag ba bite ng fingers ko . As in hanggang mag dugo kinakain ko kasi yung kuko and yung balat nito . So halos kulay itim na yung mga daliri ko dahil sa mannerism na to. Then na wala din naman sya and itong nag grade 1 ako i was 6 or 7 ata , madalas ko naman kutkutin yung anit ko same thing hanggang mag dugo din . Then may times lang talaga na ganun nawawala din bumabalik pero itong worst ko nung nag 11-22 ako is yung tinatanggal ko talaga yung nails ko sa paa . Kahit alam kong masakit pinapatuloy ko padin hanggang mawala na yung kuko. And napansin ko din sa sarili ko since elementary to highschool wala akong focus mag aral , may isang subject lang or pag interested talaga ako . Compare ko yung sarili ko sa classmates ko nung highschool okey naman sila and feel ko im the lowest of the lowest. One time nanood kami ng classmate friends ko ng movie and hindi talaga ako nakaka focus kasi nag uusap lang kame ng isa kong friend and the other is sinasabe na tumahimik daw muna kame at na nonood sila . Yung pag na spoil sila sa movie parang nawawalan sila ng gana pero pag ako kahit sinabe na saken parang mas nag eexpect ako and na eexcite. Till now wala akong maayus na direction. Nahihirapan ako sa sarili ko , and kada gabi halos di ako makatulog kakaisip ng mga possibilities kahit unnecessary. Minsan pinapalipas ko na lang din at sinasabe ko sa sarili ko na mawawala din to , pero habang tumatagal parang mas lalo lang akong lumalala . Gusto ko mag pa check sa psychiatrist or physiologist . Yes alam kong mahirap pumila sa public and napaka expensive naman pag dating sa private . Also i hate numbers pala and halos lahat ng numbers na nakikita ko minsan parang bumabaliktad lahat , di talaga ako best sa math at sumasakit na f- frustrated lang ako when it comes to that subject talaga. Mas interested ako sa arts . Medyo na iinggit ako sa mga classmates ko na nakapag aral or maayus mga desisyon nila sa buhay haha compare to me na ganto parang walang gana lagi .