Tenant is always late on rent. What legal action do I need to do?
First time homeowner po ako and nung binili ko yung bahay nagrerent na sila sa previous owner. Sabi ko okay lang na magrent sila for one year since wala pa po akong pera pang renovate. So gumawa po kami ng contract.
My tenant started her contract last February 2026 and ends on January 2027. Her due date stated on the contract is 15th day of the month.
February - walang problema
March - April 16 niya binayaran.
April - May 20 siya nagbayad.
May - May 30 niya binayan at kulang pa ng 4k.
March ang sabi niya sinugod daw sa hospital ang anak niya. By that time naintindihan ko naman and meron din tayong economic crisis kaya pinagbigyan ko siya kaso inabot ng April yung payment at di sinabay payment ang April rent.
By May 19 nagpadala ako ng demand letter na if hindi niya binayaran within 3days yung rent for April and May for eviction na siya.
Kinausap nanaman ako, ang sabi di niya daw dapat sasabihin pero nagkasakit daw siya hyperthyroidism daw at kung pwede yung May rent bayaran niya end of the month. Pinayagan ko ang sabi ko last na yun. Kaso kulang binayad.
Pagod na pagod na po ako singilin siya. Sana pinaalis ko nalang nung nakuha ko na ang bahay. Ano po kaya ang proper legal action para mapaalis na sila sa bahay? Ang hirap pa kasi ofw din po ako. Di ko siya napupuntahan. Sakit lang sa ulo.