KAKAYANIN KO PA BA SYA?
Kamusta yung mother-in-law niyo? 😅
Sakin kasi sobrang strict talaga.
Yung husband ko naman, wala akong problema sa kanya. Super bait, maintindihin, at ginagawa talaga niya lahat para mabigyan kami ng maayos na buhay ng baby namin na 7 months old. Hindi siya lumaki sa mama niya, sa yaya siya lumaki kasi busy lagi yung mom niya. Middle child siya kaya medyo malayo loob nila sa isa’t isa. Yung ibang kapatid niya nabigyan ng business, siya lang hindi, pero never naman naging issue samin yun kasi sobrang hardworking ng asawa ko.
Ang gusto talaga namin noon, mag-rent nalang para peaceful at walang nangingialam samin. Kaso ayaw pumayag ng parents niya kasi may bakanteng bahay naman daw sa likod ng restaurant nila, sayang naman kung magrerent pa kami habang naghihintay matapos yung sarili naming bahay. Gets ko naman point nila dun.
Pero ate ko, iba talaga vibes ng mama niya 😭
Bigla-bigla siyang umaakyat sa bahay kasi may mga gamit siya sa kabilang kwarto. Lagi naman akong naglilinis, pero one time feeling ko inaatake ako ng postpartum. Wala akong gana sa lahat, pagod na pagod ako, tapos may lagnat pa baby ko noon kaya iyak nang iyak. Yung husband ko naman busy buong araw sa pag-aasikaso ng papers nila.
So ayun, medyo magulo yung bahay that time.
Pagpasok niya, sobrang nagalit siya. Sabi niya:
“Ayoko ng dugyot.”
“Wala ka namang ginagawa.”
“Di ka man lang mag-ayos dito.”
Pinagalitan niya talaga ako nang harapan. Hindi ako sumagot. Pag-uwi ng husband ko, sinabi ko agad na gusto ko nang umalis dun sa bahay.
Fast forward, umalis kami at nag-rent nalang.
Tapos one time, pinatawag niya kami kasi mag-uusap daw tungkol sa kasal namin na hindi natuloy dahil nabuntis ako.
Pero hindi kasal yung napag-usapan 😅
Tinanong niya kung okay lang daw kami. Sabi naman namin oo, kahit hirap kami, never kami nanghingi sa kanila kasi ayaw namin makarinig o mamaliitin.
Okay pa nung una kahit medyo may pagalit na tono.
Pero nung paalis na husband ko, sinabi niya:
“Iwan mo muna si ano, may sasabihin lang ako.”
Ate… kinabahan talaga ako. At tama nga kutob ko 😭
Nilait-lait niya ako. Sabi niya dapat daw mag-work ako, dapat daw hindi nalang kami nagpamilya kung aasa lang kami sa kanila. Mind you, never kaming nanghingi sa kanila kahit diaper ng apo nila hindi sila bumibili kasi ginagawa ng husband ko lahat para mabigay needs namin.
Tinawag niya pa akong “materialistic” kahit hindi niya alam na halos lahat ng gamit ko pinaglumaan lang, yung iba bigay pa ng tita ko. Mas inuuna ko nalang talaga yung baby namin kaysa sarili ko.
Habang pinapagalitan niya ako, umiiyak na ako sa harap niya. Ang mas masakit, andaming tao nun — nandun husband niya, anak niya, may naglalaba pa at may nag-aayos ng wifi — pero tuloy-tuloy lang siya.
Ang nakakapagtaka lang, okay naman siya sa ibang asawa ng mga anak niya. Mahal niya naman sila. Hindi ko alam bakit parang sakin, lagi siyang galit 😅