u/Dalandan__

Normal ba ung treatment sakin ng gf ko?

Mas matanda sa akin (29 M) ang gf ko (32 F) and according to her, medyo matagal na nung huling relationship niya (2 years) pero may mga nakaka fling (landi only) siya sa chats pero di rin nagtatagal. Halos lahat ng relationships ko before, mas bata sa akin. Siya ang kauna unahang gf ko na above ang age sa akin. Nung una, super sweet siya nung fling - situationship palang kami (inabot ng 6mos). Nagaway kami dahil nakipagusap siya sa ex ko and after non, hindi kami nagusap ng 3 mos. Somehow, nagkaroon ulit kami ng connections and ang gusto ko sana, casual nalang kaso nangulit siya na magka bati na kami and bumalik sa situationship. After a month ng reconnection namin, sinabi ko sa kanya na gusto ko siya. Matagal na actually, hung hindi niya lang talaga kinausap ung ex ko na sinabi ko sa kanya na wag na wag niyang gagawin, hindi sana kami maga away. Sinabi ko sa kanyang liligawan ko siya for a real relationship this time and hindi na situationship. Nung nagstart nakong ligawan siya for real, nagbago siya. Ang layo na ng ugali niya sa dating treatment nya sa akin. Cold treatment at inaabot ng isang araw na replies na super iiksi like "ok po" "sige po". Always ako naguupdate sa kanya sa lahat ng ginagawa ko or kung sino kasama ko pero siya wala kahit isa. Pag may lakad siya like magiinom sila, sasabihin lang na "Magiinom kami". Yun lang. Walang "kasama ko po sila ganyan, ganitong oras po kami uuwi at matatapos". Walang kahit ni isang chat after ng "Magiinom kami". Basta nagpaalam, yun na yon. Ayaw niya na tinatanong ko siya ng marami. Wala ding Good Morning and Good Night and monotone na boses everytime na naguusap kami. 3hrs lang kami nakakapag usap daily sa gabi dahil maaga pasok ko sa umaga and diko na siya naaabutan and late naman siya umuuwi dahil bumabyahe pa siya for 1hr+ after umuwi kaya around 8-9pm na siya nakaka uwi. Nakakapag talk kami while working pero medyo matagal ang replies pero understandable naman yun dahil parehas kaming busy sa work.

Eventually, sinagot niya din ako after 6mos ng ligawan na on & off. Nagaway kami before niya ko sagutin. Nagalit ako dahil nagiging impatient na rin ako and sinabi ko sa kanya na diko narin gusto ung treatment niya sa akin na di porket ako ung nanliligaw, ite take advantage niya lang ako na pwede niya akong tratuhin sa kahit na anong way niya gusto. Mahal ko siya pero napapagod narin ako dahil wala na akong affection na nakukuha sa kanya na nagsstart nakong magisip kung worth it paba to or kung gusto ko pa bang sagutin niya ako in the first place. Pinanghahawakan ko lang yung dating treatment niya sa akin nung sitationship pa kami kaya nagstay parin ako. Naging okay naman kami nung sinagot niya ako. Bumawi naman siya sa treatment niya sa akin dahil sinabihan ko siyang maghiwalay nalang kami kung hindi magbabago yung treatment niya sa akin. Ang problema, naulit nanaman ung treatment niya sa akin na ang tagal magreply tapos ang iiksi naman ng chat pag nag reply. Nakipaghiwalay ako sa kanya and nag beg siya na babaguhin niya na talaga ung treatment niya sa akin for real daw this time. Nagka ayos kami after non pero Jusmiyo, eto okay nanaman kami. Kaso balik nanaman sa dating treatment niya sa akin.

Mahal na mahal ko siya pero pagod na pagod na rin ako sa ginagawa niya. Hindi ko na alam gagawin ko para lang itrato niya ko ng maayos. Hindi na siya yung babaeng minahal ko. Bumabawi naman siya pag nagkikita kami kaso pag okay na kami, balik talaga sa dati. Normal ba yung ganon sa mga babaeng trentahin na?

reddit.com
u/Dalandan__ — 7 days ago