friend kong lulong sa sugal
TW: Self-harm
Hello, pa-rant lang ako dito. Meron akong long term friend na recently nag-attempt mag self-harm. Matagal na kaming magkaibigan, halos 12 years na rin yata. Sobrang okay niyang kaibigan, maasahan tsaka talagang ramdam mo na kaibigang totoo mo siya. 5 years ago, nalaman namin na may nagalaw siyang malaking amount ng pera sa work dahil naisugal niya. Long story short, nagawan ng paraan and hinuhulugan pakonti-konti sa inutangan. Nalaman ko lang recently na sobrang dami na pala niyang utang because of gambling. Miski sahod ng asawa and pera na para sa kanilang pamilya nagagalaw na niya :( Nag self-harm siya a few weeks ago kasi hindi na raw niya kaya. Sa totoo lang, nakakapagod din talaga umintindi at tumulong sa taong ayaw tulungan ang sarili. Hindi ko naman siya susukuan, andito pa rin ako bilang kaibigan niya. I just wish I could do more for my friend para matulungan talaga siya. ☹️ Paano ko sasabihin na kailangan na niya ng professional help?