u/Damnoverthinkertooo

Image 1 —
Image 2 —
Image 3 —
Image 4 —
Image 5 —
Image 6 —
Image 7 —

Bago ako umalis ng pinas almost 2 year ago sabi ko sa sarili ko hindi ako babalik dahil sa mga nangyayari sa gobyerno natin. At wala naman din nagbabago sa mga binoboto ng mga tao kaya hindi ako umaasa na magkaroon ng improvement.

Ang hindi ko lang inexpect ay may makilala dito sa reddit na super bait at thoughtful, same views pagdating sa politics and life in general, at sobrang parehas din kami magisip sa mga iba pang bagay Ang dali din namin nakapag open up sa isat isa from secrets na walang ibang nakakaalam kung hindi kami lang to dreams and goals para sa future. Eventually naging kami through a vid call after ko tanungin siya kung pwedeng maging kami kahit alam ko na mahirap dahil LDR.

Dapat this month palang talaga kami magkikita based sa iplan namin last year. Pero last year a month before Christmas, sinurprise ko siya sa biglaan booking at sinend ko sa kanya ticket ko na uuwi ako ng pasko. Sa gulat niya hindi niya sure nung una kung totoo ba un ticket ko. Sabi ko sa kanya you're so worth it at ang lakas mo sa akin ikaw lang pala makakapag pauwi sa akin despite sa mga sinabi ko sa sarili bago ako umalis. Currently, I also booked a flight na din pabalik this December to see her again. Hay pagibig sobrang unexpected pero salamat talaga, reddit.

u/Damnoverthinkertooo — 24 days ago