u/DangerousOil6670

MGA MHIE! AKO LANG BA YUNG GANITO?

MGA MHIE! AKO LANG BA YUNG GANITO?

Naiinis ako kapag yung asawa ko nakakalabas ng siya lng like hang out with friends niya. Yun bang matagal siyang wala sa bahay?

Context: kakapanganak ko palang last April via CS. Yung baby namin, pa-one month palang.

Nung buntis palang ako, alam kong mentally and physically ready na ako kay baby. Pero iba pala nung lumabas na si baby. Kung baga, bakbakan na.

Direct latch si baby sakin (breastfeed) pero mejo hirap ako sa pag poposition kay baby magpa dede kasi inverted side lying ang position namin. Oo, hindi madali.

Para pa akong na aaning kapag umiiyak ng malakas si baby na minsan gusto ko nalang din umiyak. Ilang beses na din ako umiiyak since nanganak ako.

Tapos kapag magpapa dede, parang wala din ako sa sarili ko na need ko i-compose yung sarili ko.

Tbh. Na ppressure and frustrated ako na minsan parang mali yung pag aalaga ko "personally" sa baby namin.

Overall: PARA AKONG MABABALIW.

Kaya naiinis ako kapag yung asawa ko is freely siyang nakakalabas. Selfish ba yon?

Ako kasi gusto ko din gawin yon. Kaso nakakabit na sa akin yung baby namin (which is feeling ko)

Kaya minsan kapag may willing mag alaga sa baby namin, inaabuso ko na. Para syempre, magawa ko din yung gusto kong gawin na macompose ko yung sarili ko.

Gusto ko magka baby.

Siguro, nabibigla lang ako sa mga nangyayare 😭 like "ganito pala?" feeling.

Btw. Nag iinvest ako sa mga breast pump, milk cooler etc. para kapag lumabas kami hindi kami hirap ni baby sa pagpapa dede.

reddit.com
u/DangerousOil6670 — 10 days ago