Uneven wheel offset
Hello everyone, recently nag pa lowered ako ng car ko. 2017 honda city vx. After nya ma drop, I noticed na hindi pantay yung distance ng front wheels ko versus sa fender. Mas pasok sa loob yung offset sa driver side tapos yung passenger side naman halos pantay na dun s fender. Ano po kaya problema?
Background: Na bangga yung car ko sa front passenger side fender nayupi yung fender pero wala naman damage sa frame. Na repair na thru latero yung sira
Dinala ko sa ibang paint shop yung car, sabi nung nag check okay naman daw yung fender ko. Naka align naman daw. Sinabi niya sa akin na ipa check sa marunong sa suspension.
Dinala ko sa suspension shop sabi is yung suspension bushing ko daw is palitin na. From there saka daw nila ayusin baka sa toe in yung problema. Ngayon hingi sana ako opinion nyo if ano pa pwede solution or baka may na experience na kayo same situation sa akin? And tama ba yung sinabi na suspension bushing lang talaga? Ang mahal kasi nung part if papalitan ko na talaga and baka mali lang din diagnosis nila.