u/DeaDearest

▲ 14 r/peyups

[UPD] Advice for Freshies to Avoid Getting Delayed?

Magpalayang araw!

I've been lurking sa subreddit na 'to, at sobrang daming unfamiliar sakin na terms as an incoming freshie (na naghihintay ng enrollment). I was hoping na either may makatulong iexplain, or at least magredirect sakin sa mga resources na pwede kong aralin/basahin. Feel free to answer or skip any question, kasi either way, salamat na po agad sa oras at pasensya!

Ika nga nila: By failing to prepare, you prepare to fail.

- Ano po yung madalas nagiging cause ng dismissal from your course/degprog? Is it usually personal or may external factors like slots?

- Ano po yung ibig sabihin na mga re-admitted?

- Ano po ang nangyayari sa prerog? Ang understanding ko po so far is para syang appeal/nagbebeg na payagan ka ng prof umattend sa klase nya. Di ko po sure if tama.

- Recommended po ba na itake lahat ng GE habang may freshman priority? Or follow closer sa curriculum kahit na makikipagsapalaran?

- Paano ka po ba talaga nagiging underloaded? Also, per academic year po ba yung judgement nya or per sem? Is there such a thing as overloaded sa units?

--> How does that affect the people na gusto magtry for latin honors? (Personal curiosity, kasi madalas ko lang po nakikita yung underloaded na word either if delayed or concerned sa honors).

- If may general elective, ano po yung mga free electives? Minsan po kasi may pre-requisites and ibang subjects, so I was wondering if sila yung mga Basic Pokémon.

- Paano po yung mga nag-aadvance ng subjects sa summer class? Ganon na rin po siguro sa mga retakers ng sub??

-Any general tips para maiwasan talagang madelay.

Salamat!

reddit.com
u/DeaDearest — 3 days ago
▲ 3 r/peyups

Freshman seeking UPD Dormers Advice/Insight

Mapagpalayang araw!

Magbubukas na yung dormapp bukas, pero gusto ko po sana magtanong tungkol sa ilang mga bagay-bagay. Pasensya na po agad kung medyo makulit.

- Paano po ba yung nagiging timeline ng OSH?

- Gaano katagal po ba talaga sila maglabas ng result?

- Nag-iiba po ba kada taon yung mga slot availability/may allotted yearly slots po sila sa isang taon?

- Nakita ko po na under renovation ang kalayaan, ang ibig sabihin po ba ay hindi muna pwedeng mag-apply doon?

Based sa mga prev years, sobrang lapit daw kasi nila magrelease sa start of classes. Gusto ko po kasi sana malaman/matantya kung may mahahanap pa rin pong dorms kung maghihintay ng results hanggang June/July bandang KNL, Teacher's Village, o A2. Hindi ko po alam kung dapat ba akong tumaya sa on-campus dorms.

- So far, worth it po ba yung on-campus dorms?

- May tips po ba kayo sa pagsurvive na walang lutuan? Ano yung average price ng mga kainan?

- Sa mga naranasan pareho yung in-campus at sa labas, saan po kayo mas naging komportable (personally and financially)?

- Madugo po ba ang appeals kung sakaling hindi matanggap?

Maraming salamat po sa oras at pasensya.

Padayon!

reddit.com
u/DeaDearest — 9 days ago