u/DeadlyCauliflower

Hi, I’m 21, and I honestly can’t take this situation anymore.

Na-diagnose ako with PCOS last March, pero feeling ko nagsimula na siya last year pa. Since ever since naman irregular na talaga period ko, hindi ko siya masyadong pinansin. Tapos around November, bigla na lang nag-progress yung weight ko. Halos dumoble yung timbang ko within 3–4 months.

Alam ko naman na malaking factor yung lifestyle ko. Hindi ko sinisisi yung PCOS lang or ibang tao kasi alam kong may mga unhealthy choices din akong nagawa. Pero ngayon, mas lalo pa akong nag-gain ng weight, and I think I’m starting to show signs of diabetes too. Nakakatakot.

Ang hirap kasi gusto ko talagang magbago. Gusto kong kumain nang healthy. Gusto kong gumalaw. Gusto kong mag-workout. Pero parang ayaw makisama ng utak at katawan ko. Wala akong energy para gawin yung mga bagay na alam kong makakatulong sa’kin, pero kapag umiiyak ako o nagbe-breakdown, parang doon lang ako may lakas. Honestly, feeling ko depressed na rin ako because of all of this.

Ang pinakanag-break sa’kin today was yung dress na binili ko for a date. Kakadating lang niya, sobrang excited akong isuot, pero kahit anong gawin ko, hindi talaga siya kasya. Tapos napansin ko rin na ang dami ko nang damit sa closet na hindi ko na masuot. Hindi dahil ayoko na sa kanila, kundi dahil hindi na talaga sila kasya. Sobrang sakit nung realization na ’yon.

Gusto kong magbago. Gusto kong humaba pa yung buhay ko. Gusto kong sumali ulit sa beauty pageants. Gusto kong magsuot ng swimsuits without feeling ashamed. Gusto kong maibalik yung sarili ko. Pero most days, nakahiga lang ako and I feel stuck.

Pagdating naman sa pagkain, hindi ko talaga alam kung saan magsisimula. I tried calorie deficit, pero limited lang yung knowledge ko. Nag-try din akong gumamit ng apps para makatulong sa tracking, pero karamihan ng maayos na apps may subscription, and ang mahal nila for me.

Kaya ako nag-share kasi gusto ko talagang malaman… paano niyo nagawa? Sa mga may PCOS or dumaan sa ganito, paano kayo nagsimula? Paano niyo nalabanan yung feeling na parang wala kayong energy gawin yung mga bagay na kailangan niyong gawin?

Ayoko na maawa sa sarili ko. Napapagod na akong umiyak. Gusto ko lang talaga mabawi yung buhay ko.

reddit.com
u/DeadlyCauliflower — 1 day ago