

Need opinions
Hi, pwede po ba mag post din dito ang tatay? Haha. 30m here, our LO will turn 1 month this July 7. Wife I think is having post partum. But one night mainit dn ulo ko. Nagkasabay kami ng init ng ulo. Naghhanap kasi kami ng yaya, me nakita ako sa phone, then i asked her kung pasado. Then sinabi nya bakit daw sya ang laging mag dedecide dito. Haha. Napasabi ako na SAPOL NAMAN E IKAW ANG NAG DEDESISYON DITO, HINDI NMAN AKO PINAPAKINGGAN DITO E. Tapos she told me she's leaving with the baby. Sabi nya na iistress daw sya sa akin. Ako talaga e confused that night how i stressed her. I do the chores in the house, lahat ng iutos nya sinusunod ko. Minsan nasaludo pa ako ng pabiro e. Ako yung tao na sumusunod nlang sa asawa para ndi sya uminit ang ulo. Pero bakit ganon? Nung gabing yon npaisip dn ako na baka nga mas makakabuti na maghiwalay muna kami. Minsan kasi napapagod ako, tapos kahit mga thank you o words of appreciation, wala. Pero parang mahirap sa baby na magkahiwalay parents e. Hehe. Nung tinatanong ko sya kung anu kinakastress nya sa akin, sabi nya madami. Pero ayaw na daw nyang isaisahin at pagud na daw sya. Nag uusap naman kami dito sa bahay, casually after that night. Nangiti pa dn aman minsan pagka me bumibisita dito sa bahay. Haha. Don't know what to do pa. I bought her food yesterday aman, sabi ko peace offering. Kinain nman. Haha. Still, the aura in the room is awkward