

FEU-NRMF, dito na naman tayo? Delayed announcements AGAIN despite the tuition we're paying
Hindi na bago sa atin 'to, pero grabe na talaga. Ang taas ng tuition natin dito sa FEU-NRMF, tapos delayed pa rin yung mga announcements pagdating sa weather at flooding situations. Parang hindi priority yung safety at oras ng mga students.
Baka mauwi na naman tayo sa "NRMF Lake" era kung ganito pa rin ang takbo, yung baha na kaya nang magkahulihan ng fish na ganito kalaki 🐟 (see pic). Funny sana kung hindi nakakastress at nakakadelay sa pag-aaral namin.
Sana naman this time, magkaroon na ng maayos na flood control system at mas mabilis na communication pagdating sa suspensions o advisories. Hindi biro yung pagpasok/paguwi ng mga estudyante sa ganitong klaseng baha.
(Sidenote: yung mga pics na nakalagay dito ay mga throwback lang from previous flooding incidents, hindi po current pero ganito talaga kalala pag umaapaw na yung baha dito, kaya sobrang laking issue na dapat asikasuhin.)
[Pics: throwback from past FEU-NRMF flooding, not from a current event]