My client found me on LinkedIn
I really wanted to share my story since the day na may nagreach out sakin sa LI pero I hesitated kasi natatakot talaga akong majinx.
For context, I'm currently working as an Underwriting Assistant for a Brokerage company based in CA. Hybrid. Pero less than PHP25k lang yung takehome ko after all the bawas including SSS and Pag-ibig loans. I'm single pero ako bumubuhay sa parents ko and my younger brother. Mejo sapat na sya sakin kaso simula ng sunod-sunod na maospital parents ko, narealize ko kung ganu kabilis akong malulunod if aasahan ko lang tong trabaho ko. For 2 years I struggled talaga sa paghahanap ng additionnal work online kasi mahirap maghanap ng client na align sa trabaho ko na. Nagtry na rin akong mag upskill, bumili ng course online, tsaka manuod ng kung anu-anung class online. Pinasok ko na rin maging Chat moderator for an adult site kasi 'mataas daw' sahudan dun. Kaso di rin ako nagtagal dun.
Then I received this private message sa LinkedIn. Sa sobrang desperada ko, nung humingi ng resume nagsend agad ako. Di na nag investigate if scam yun or not haha. Pero narining ata ni Lord kung ganu nako kadesperate kasi one week lang, meron na akong client!
I received the message Monday. First Interview Tuesday. Second Interview Friday. Start Monday! Hanggang ngayun nasa denial stage pa rin ako eh. Kapag natanggap ko na yung 1st buong (1 month) salary (nakatanggap na ng 9days salary), saka ko pa lang matatanggap nga ito na nga yun.
Still taking one day at a time. Still learning whatever I can. And still looking incase meron pa makita. Pero I'm very very thankful kung anu meron ako ngayun.
Sana kayu rin. May you receive that email or call today that you deserve. Client dust everybody!
Edit: Sa CA ko na work, $2.50 ata per hour. Tapos ito namang NY, $9/hr🥺