u/DeliveryOk6046

Akala ko mababawi ko pa. I’m scared of my life, pls tell me im gonna be okay.

I'm a 23 year old female, I recently got in to gambling and I fucked up big time. I am a senior student trying to save up for graduation and future plans pero I lost all my savings in a snap. Dati, wala naman talaga akong knowledge sa online sugal, ni hindi ko alam saan maglalaro nun. Then, I discovered Casino+ last month because of an ad on TT and I thought I won a lottery after my first win. I know this is not as big as other people pero nanalo ako ng 12k sa slot machine. I was able to pay my loan in Gcash in full after that win. Sobrang saya ko kasi hindi ko kailangan isipin na may binabayaran akong installment at maitatabi ko na yung savings ko for other plans.

One morning nitong first week of august I won 26k sa slots machine dahil nagkamali ako ng pindot dun sa 88 credits hahahaha. Finally, ang lumaki na yung savings kong 6k bukod sa allowance ko. Natakot ako nun kasi after that sabi ko titigil na ako pero I saw myself downloading the app again last week, after deleting it nung nanalo ako. Naisip ko na baka ma-addict ako hahahaha. Nitong lingo lang dahil sa automated txt messages ng Casino+, bumalik ako at natutunan ko yung interface ng baccarat. Nanalo ako ng 5k dahil sa natira kong cash rebate. Pero I lost everything kasi nag all in ako. Akala ko mababawi ko pa, akala ko ang tali-talino ko kasi 36 pesos lang yung cash rebate ko na naging 5k. Not gonna lie, I became really greedy. Naisip ko na at least wala kong utang. Hindi ko naisip na normal kolehiyala lang pala ako na umaasa pa sa magulang. Kaya ayun, nagcash in ako nang nagcash in 500 became 1k, then 5k, and so on. Naubos ko yung 30k ko

Maliit siguro para sa iba dito pero I was really frustrated, ni-hindi ako makatulog kakaisip dahil hindi naman napupulot ang pera. Ang ipokrita lang sabihin niyan after kong magdesisyon nang hindi maganda. Wala akong peace of mind ngayon, feeling ko mababaliw na ako. Hindi ko alam paano ako makakarecover. Hindi naman ako bobo, pero hindi nga ba? Ang lungkot lungkot ko, akala ko swerte na ako, hindi pala. Ang tanga tanga ko pala, naubos ko yung itinatabi kong pera.

Reply naman kayo, hindi ko na kasi talaga alam :((( I need some words lang to keep me sane. Pwede niyo ako pagalitan, pwede ding i-comfort. Naiyak ako while typing this kasi wala naman nakakaalam na nagsusugal ako, hindi ko din masabi sa iba dahil hindi naman ako yung tipo na may bisyo at sugal. Nakakahiya :((

reddit.com
u/DeliveryOk6046 — 2 days ago