u/Dilimgenic

Rinding-rindi na ako sa mga galit na galit sa mga Tirze users

Pwede naman daw mag-diet at mag-exercise. Inuuna raw kasi ang katamaran.

I have asthma. Ang trigger? Init. Hirap na hirap akong mag-cardio not unless nasa gym ako na naka-aircon. At kahit may aircon, grabe pa rin ang hingal ko.

Ngayon, summer na naman. Ingat na ingat ako dahil baka mag-asthma attack na naman ako. In case na di nyo alam, may side effect ang gamot namin na nakakataba. On top of bawal ka pang maggagalaw masyado. Hindi ako matakaw, not unless may celebration. Ni hindi ako mahilig sa matamis o mag-samgyup. Di rin ako mahilig sa prito because sabaw is life. Mahilig ako sa gulay, at di ako nakain ng street food. Hindi ako malakas mag-kanin. I have a very balance diet, pero mataba pa rin ako dahil kulang ako sa workout.

And hindi yun dahil tamad ako.

My lungs suck at doing its job.

Ang hirap sakin magpapayat. Nag-start lang akong mag-lose noong nag-GLP-1 ako. Nireseta sakin to ng doktor ko dahil pre-diabetic na ako.

Pero sure, keep telling us na tamad lang kami kaya kami mataba. :)))

reddit.com
u/Dilimgenic — 9 days ago