Class suspension dahil sa sama ng panahon, pero dapat may gate pass para makalabas ang mga bata

Sinuspend na ng Malacañang ang klase nang 3pm pero ang mga mag-aaral namin e hindi pa pwedeng pauwiin kaagad kung walang gate pass o parent na susundo. Ngarag si adviser para magawan ng gatepass ang mga students niya. Ang mga parents nagtatanong na kung nasan na ang mga anak nila. Aabutan na lang uli ng ulan ang mga bata, hindi pa rin sila nakakauwi. Gets ko kung elementary, pero mga highschool na ang mga students na ito (sa public). For safety raw kaya di pwedeng palabasin agad nang walang sundo. Pumayag naman na ang mga magulang na pauwiin ang mga anak nila kasi masama nga ang panahon. Nakakainis, parang kinakapos sa common sense ang mga nasa taas. Ang tagal na nga ng suspension, ang tagal pa bago mapauwi ang mga bata.

reddit.com
u/Disastrous_Pilot7763 — 7 days ago

Customer na pinicturean ang permit at pwesto namin, liban sa ipost sa FB ano pa kayang gagawin nya doon

Hello. First time business owner kami. May maliit na food cart kami somewhere in Metro Manila. Earlier today may customer na bumili samin, at habang kumakain sinisiksik nya yung basura nya doon sa gilid ng cart. Kaya sinaway sya ng tindero namin saying na hindi magandang tingnan na nakasiksik doon ang basura. The lady was then annoyed habang sinasabi na ang sungit daw ng tindero namin, tapos siniksik nya uli ang kalat nya. Inalis uli ni tindero at binigyan sya ng paglalagyan ng kalat nya. Inis na inis pa rin ang babae, kaya pinicturean nya ang permit namin at pwesto, then umalis. Pero bumalik din uli para sabihan uli na masungit ang tindero kaya napupost sa FB. These are all caught sa cctv review. True enough naipost na sa last month sa FB group ang aming tindero, dahil sa pilosopong pagsagot sa batang customer at napagsabihan na namin sya. That's also the reason kung bakit nagpakabit na kami ng CCTV. Now I am worried kung anong pinaplano nung babae na yon don sa pic ng permit namin at pwesto. Maliban sa pagpost sa FB, iniisip ko na baka kung saan pa kami ireport at maapektuhan nang husto ang business namin. Di muna namin papapasukin si tindero, at sinave namin ang CCTV footage. Kung sakali na ipost ang pwesto at permit namin sa FB, pwede kaya na ilapag namin footage?

Salamat.

reddit.com
u/Disastrous_Pilot7763 — 8 days ago

Teacher na Sekyu pa

"wala kasing mga teacher na pumupunta para magbantay".

Pagpasok ko kaninang tanghali ay iyan ang nadinig ko mula sa isang nonteaching personnel (sa principal's office nakaassign). Hindi ko alam kung anong simula ng usapan, pero siguro

may kinalaman sa pagpapapila at checking ng bag ng mga pm students na papasok. Pasensya na, pero nainis talaga ako. 12noon iyan, ang mga pangumagang guro ay may last period pa, at kung may guro na vacant that time I know na nagpapahinga yun o nagticheck. Samantala, ang mga panghapon naman ang 12:30 pa ang start ng klase. Di ko tuloy malaman kung ang gusto ba nya ay bago kami magturo until 7pm e magduty muna kami sa gate?

Pati ba naman dito paghahanapan pa ang mga guro.

Ang sama na ng loob ko don sa memo about this last day, tas biglang makakarinig pa ako ng ganon. Sana nauunawaan ng mga nonteaching sa school namin ang mga kaguruan.

Sinabi ko sa keyteacher namin yung nadinig ko from that personnel.

reddit.com
u/Disastrous_Pilot7763 — 2 months ago

Ang lala ng school violence, pero parang ang lala rin ng gustong mangyari ng school namin

Kaliwa't kanan ang mga nababalitang karahasan sa loob ng paaralan. Ewan ko ba kung related to dito kaya biglang may anunsyo sa school namin na ang mga guro na walang last period e mababantay sa gate para magassist sa mga student na uuwi.

Highschool to.

6 klase ang hawak ko, sa last period na nga lang makakapahinga at makakapagcheck, magbabantay pa sa uwian. Kami ata ang gustong ibala kung sakaling may gulo. Di naman na ata sakop ng work ng guro ang maging guard sa gate.

Pasensya na, nakakaasar talaga. Kakaupo ko lang after my 6th class tapos iyan ang nabasa ko sa gc. Di ko alam kung ganito rin ba sa ibang school.

reddit.com
u/Disastrous_Pilot7763 — 2 months ago
▲ 129 r/pinoy

Senate Film Festival

Kasabay ng pagpapalit ng liderato sa senado noong nakaraang linggo ay nasaksihan din natin ang husay sa pag-arte ng mga minamahal nating senador.

Narito ang mga nominado para sa parangal na "Best Actor/Best Actress". Let's take a closer look at their award winning performance!

u/Disastrous_Pilot7763 — 3 months ago