




First heartbreak na ba?
Just created this account for this. Hindi ko alam kung tama ba tong sub na to for this. Wala lang kasi akong masabihan or mashare-an kaya dito nalang siguro
Hingi lang sana ako ng advice, gusto ko lang malaman kung sensitive ba ako or valid yung nararamdaman ko? gusto ko lang din malabas tong frustration ko sa situation namin ng Girlfriend ko. Makikipag hiwalay na ba ko or ituloy ko pa 'to? Kahit ang sakit sa puso ng chat niya, ang hirap ffs!
Context: ako(27) ay NGSB(date to marry guy) pero para bang nasanay na, na may ka "relationship" since most of the time nung college ako, 5th or 7th will ako sa mag totropa. Kaya 'di nag GF or ayaw kong manligaw throughout college is ayaw kong mag ka GF nang walang pera kasi alam kong magastos at ayaw kong makipag date ng walang work or trabaho(pero torpe lang talaga ako). Kaso nagulat nalang ako 2 years ago at nag-karoon ako GF at sa online pa nga haha.
GF(29) love na love ko, maganda't matalino. napaka sipag na tao at mahal na mahal ko.
2 years na kaming LDR, madalas mag kita pag may mga concert and holidays pero madalas video call.
So ayon na nga...
Ok naman kami that week since nag video call naman kami palagi. tapos kakabili lang din namin ng ticket sa concert ni Jason Mraz, ansaya saya pa namin that week. Tapos video call while working. Then napatanong ako kung okay pa ba kami, kasi ramdam ko parang may mali or may something. tapos out of nowhere bigla nalang siyang nag chat ng
"feeling ko hindi tayo in the long run"
"Until when ako maghihintay? Na maging capable ka na"
sakit sa puso pala masabihan ng ganito hehe
*regarding sa reply kong,
"alam ko naman kung bakit" samin kasi ako yung pala tanong ng love mo pa ba ko? 'di mo na siguro ako love? mga ganyan pabebe, may ma topic at ma gulo ko lang siya sa work kasi madalas stress siya hehe
Anyway, Parang bigla nalang nagging issue yung pera, add' context she's earning 6 digits while ako naman earning 25k 30k per month depende if maraming project. Pag nag kikita kami madalas siya yung may malaking gastos, pero syempre hinahati namin yon at binabayaran ko rin naman yon. Alam naman niyang nag iipon ako for the future pero pag may mga concert or gala talagang gumagastos ako/kami. Kaya 'di ko talaga alam kung bakit naging issue bigla yung pera. Kung issue naman pala yung Pera sana lang talga 'di nalang pinatagal ng 2 years...
Mahal na mahal ko 'tong GF ko... Nahihirapan ako mag work kaka-isip sa relationship namin. gusto kong umiyak kaso manhid na ata talaga nararamdan ko sa mga ganitong situation or dahil nasanay lang ako na 'di mag labas ng feelings. Parang naging katotohanan yung "ayaw kong mag ka GF nang walang pera" HAHAHAHAHA
Makikipag hiwalay nalng ba ako or itutuloy ko pa ito?
P.S.
Gusto kong umiyak
Pasensya na kung magulo mag kwento, hirap pala ng ganito hahaha
Sana lang wag niya mabasa to
Please wag post sa ibang social media platform salamatsu