u/DreamCatcher-07

Sobrang lala ng epekto netong sugal sa buhay ng tao

Haaayyyy sobrang nakakalungkot lang sinasapit ng mga taong sobrang lulong na sa sugal. Isa din ako sa nalulong pero onti onti kong tinutulungan yung sarili ko para makaiwas na sa sugal. Lahat gagawin mo para lang makapag sugal. Manloloko ka ng tao, uutang ka ng pera at magdadahilan ng kung ano ano na kesyo may emergency sa inyo tapos dito din papasok yung pagkawala ng konsensya mo.
Payo ko lang guys, hanggat kaya nyo pa iwasan tong bisyo na to. Umiwas na kayo kasi pag sobrang lubog nyo na talaga. Sobrang baon sa utang tapos yung tiwala sayo ng mga taong malalapit sayo nawala na dahil sa bisyo e mapapaisip ka na tapusin na lang yung buhay. Pero hindi yon yung solusyon. Ibig sabihin lang non talagang nagpatalo ka sa sugal kasi pati buhay mo tinaya mo na.
Basta eto lang guys, sa mga taong nasa gitna pa ng kaadikan ngayon. Mag isip isip na po kayo ng mabuti. Makakaalis din kayo dyan. Sa mga utang, sa mga talo na gusto nyong mabawi. Hindi pa huli ang lahat. Sarili lang natin yung kalaban natin dito. Mahirap pero kung di tayo lalaban di tayo makakaalis. Good luck sating lahat.

reddit.com
u/DreamCatcher-07 — 15 days ago