u/DriverOk9337

This might sound a bit childish pero I wanted to know others perspective about this matter.

Recently may nangligaw sa akin na 3yrs younger (pinayagan ko naman just to try if magwowork). So since parehas kaming mahilig maglaro, napagpasyahan naming magbonding by playing a horror adventure game. At first nag-eenjoy kami at natutuwa kami magsolve nung puzzles sa game. Then napapansin ko na kada may mali akong nagagawa or may hindi ako magawa doon sa game (for example eh nahihirapan tumakbo because namamali ng pindot sa keyboard 😭) eh inaasar nya ako. At first tumatawa ako kasi talaga namang nalilito ako and we are playing so wala pa sakin yun.

Pero napapansin ko na, na kada magkamali ako paulit ulit nya akong inaasar at tumatawa tawa pa sya na parang hindi rin sya ganon. If sya yung may struggle sa game, nag-iisip din ako ng way para makaalis sya sa part na nahihirapan sya and hinihintay ko pa minsan makalagpas sya. (Tngna parang ang childish talaga ng nirarant ko 😂).

Kumbaga hindi ko nirereturn yung pang-aasar nya sa akin kasi ayaw ko maging ganun yung vibes, kasi nga cooperation dapat dahil dual player yun at hindi pataasan ng ihi. I remember na tinuturuan nya ako pero parang tono na kulang na lang eh sabihing bobo ako. 🥲 gosh nagpeplay lang naman kami.

Ang consistent nyang ganon to the point na nasa mid part na kami ng storyline ng game nung kinconfront ko sya (in a nice way), I said hindi ako comfortable kapag ganun yung mga linyahan nya. I even said “siguro kaya ganyan yung lines mo kasi sanay kang nakikipaglaro with your friends and baka ganyan lang talaga kayo mag-usap”. I said ayaw ko ng ituloy yung game pero nag-insist sya and nagsorry. Ending, natapos pa rin namin.

Hindi rin naging kami 😶

reddit.com
u/DriverOk9337 — 20 days ago