DLE MAY 2026 PASSERS!
A day before the DLE board exam, I was still full of hesitation.
Hindi ko alam kung itutuloy ko ba o uurong na lang. Kahit ilang buwan akong nag-aral, mas malakas pa rin yung takot kaysa tiwala ko sa sarili ko.
That Sunday, around 4 PM, I decided to go to Saint Jude Thaddeus Shrine.
Gusto humingi ng sign kung itutuloy ko ba o hindi.
During the homily, may kinuwento si Father tungkol sa isang tao na nakita raw nila sa simbahan madaling-araw, bandang 12 AM. Tahimik lang daw itong nakaupo at nagdadasal. Tinanong nila kung bakit siya naroon sa ganoong oras.
Ang sagot daw ng tao:
“Mag-eexam po ako bukas… at natatakot po ako.”
Then Father said something I will never forget:
“Let your heart be at peace, at si God na ang bahala.”
Parang ako yung kinakausap noong moment na ’yon.
Hindi biglang nawala lahat ng takot ko, pero may kung anong gumaan sa pakiramdam ko. Na-realize ko na baka hindi ko kailangan maging 100% ready bago sumubok. Minsan kailangan mo lang magtiwala at humakbang kahit nanginginig ka.
Because of that story, tinuloy ko ang DLE board exam.
And I passed.
Hanggang ngayon, hindi ko kilala kung sino man yung taong nasa simbahan noong madaling-araw na ’yon. Pero gusto kong magpasalamat sa kanya. Hindi man niya alam, naging inspirasyon siya sa isang taong gustong sumuko.
I hope you also made it.
And if ever you did, know that your fear, your prayer, and your faith helped someone else believe in themselves too.