12:48, May 20, 2026
Umiiyak ako rn
Wala ako masabihan sa nararamdaman ko, kahit close friends. Nung monthsary pa namin wala akong pahinga hanggang ngayon.
Nagalit lang ako kasi hindi nagawa yung plano naming dalawa dahil nagising siya ng late, tas may gagaiwn pa siya. Nauna ko galit ko, pero naalala ko kaagad na may gagawin pa siya kaya sabi ko bukas na lang. Sabi niya "Ewan ko sa'yo". Nagsorry agad ako and explained na hindi ako galit sa kanya, dahil lang hindi natuloy plano namin. After ko isend yun, di na'ko nireplayan, 11 hrs na. Puro sorry na'ko sa pm namin, wala pa rin. Napa rant ako sa kaibigan niya kasi siya lang nakakaalam ng nangyari sa'min before. Hindi ko masabi sa close friends ko kasi sasabihin kaagad makipag break up, kahit need ko comfort at the moment.
Kanina lang, nagchat ako ng "I miss you, balik ka anytime", sagot niya "D na".
May sinasabi ba siya?
Kanina pa'ko umiiyak, nagkaperiod pa'ko kaya sobrang sakit ng dibdib, puson, at ulo ko ngayon. Gualt na gulat ako, nag-aalala na'ko sobra, wala akong makausap ngayon
Sabi ko hindi na'ko magsshare ng bagay nagay dito dahil I shared some before pero na delete ko na
Every hour na akong umiiyak, help, napapagod na'ko
Hindi pa rin siya nagcchat sa'kin.
First boyfriend ko siya, kaka-5 months pa lang namin.
Ang dami na rin naming napagdaanan. Kahit anong pait na naramdaman ko, pinagbigyan ko pa rin siya.
Sobrang emotional ko ba, hindi niya kinaya?
I'll update and might delete all of it, depende sa mangyayari.