u/Dry_Replacement_9839

▲ 19 r/utangPH

Finally stopped TAPAL SYSTEM.

30F, with family. Panganay rin sa magkakapatid kaya nasanay ang parents ko na sinasalo ko mostly ang bills kahit may sariling pamilya na ako. Dahil dito, napastart ako magloan at umabot siya sa 300k dahil wala namang ibang tutulong. Hindi ko rin to kinekwento, kahit sa asawa ko, dahil nung una kinakaya ko pa hanggang sa nagbreakdown na ako.

Hanggang sa nalaman na ng pamilya ko. Which was actually great. From 300k, 150k na lang. Malaki pa pero malaki na rin ang nabawas.

Inuna ko yung mga illegal apps na grabe mangharass, yung mumurahin ka talaga at alam mong itutuloy yung threat na ipopost ka. Yung mga napapakiusapan na apps, I decided to OD muna but nagrereply ako from time to time para alam nilang hindi ko tatakbuhan.

Dumating rin sa point na ayoko na, give up na ako. Ikaw ba naman makabasa ka ng text at 7AM na minumura ka at dinadamay yung pamilya mo. Pero habang tumagal, tumapang ako na pag pinahiya nila ako eh di lalo ko sila hindi babayaran.

Para sa reference niyo, ito yung mga apps na best to worse.

  • Mga napapakiusapan or no harassment kahit OD ka na: Billease, Megapeso, Paghiram, Cashalo, TekCash
  • Mga grabe magtext pero no harassment. Ito nabasa ko kasi na nagooffer ng discount after ilang months kaya OD ko muna: Cash Express, MoneyCat
  • Mga app na WAG NIYO NANG SUBUKAN: Mr Cash (IOS), PautangPeso, PesoQ, XLKash, Bilis Cash, Bridge Cash, Huaxinloan, Credit Peso, Cashbay, Loanshop, CashMeCredit, E-Perash

Kaya natin to! Minsan kapag sabay sabay ang OD talagang gusto mo na lang sumuko lalo na kapag di na natin alam saan kukuha ng pambayad. Nakakatakot rin na makarating pa sa social media o sa trabaho na may utang ka. Pero at the end of the day, kung wala kang ginagawang masama, wala ka dapat ikabahala. Ireport niyo ang harassments para magsara na yung mga walanghiyang OLA na yan.

reddit.com
u/Dry_Replacement_9839 — 13 days ago