Apprenticeship: I just need suggestions to help my bf
Hello!
First, bare with me and this long post, wala akong masyadong idea how maritime things work but i'll try to explain it base sa kwento ng partner ko.
Yung boyfriend ko is for apprenticeship na dapat last 2022-2023 pa. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakapag apprenticeship and he said na malaking factor ang pandemic, pagkamatay ng dean nila, and paiba ibang shipboard training officer. I asked kung handle ba ng school nila ang 12 month na shipboard training nila and he said yes. There are times daw, that year, na may mga pumupuntang company sa school nila na hindi sila naiinform, malalaman nila kaso late na.
Year 2024 came, may isang company na inapplyan yung partner ko, nag wait siya ng ilang months for callback then pinag take siya ng trainings na nirerequire nila. While ongoing yung training niya biglang kinancel yung application niya. Bago na daw kasi yung parang head nung inaapplyan niya at pinacancel daw lahat ng line up according sa friend niya na nakapasok sa company na yun.
Then last year meron siyang pinasukan na company na need nila mag work sa office habang naghihintay ng slot para makasampa, he stayed there for months kaso nalaman niya na yung company na yun is hindi daw nagpprovide ng MDSD na need sa school nila, so umalis siya. Never siya nag stop magsend ng applications sa mga company, kaso magrereply once then wala na after.
Then, I think 5 or 6 months ago na nakakalipas, may agency siyang pinag inquire-an na need daw niya mag bayad ng 30k for domestic and 90k for international. I feel like sobrang desperate na yung partner ko kase ilang years na din yung nasayang, so grinab niya yung domestic kase yun lang kaya ng budget. Ngayon, he decided na irefund nalang yung pera kase one time sinabihan siya na pasasampahin na siya then biglang pinipilit na siya na mag add ng payment para mag international nalang daw siya. Sinabihan siya na bago mag april irerefund na, hanggang inadjust ng end of april. Ngayon hindi na siya sinasagot regarding sa refund. He tried to visit the agency kaso sinabi lang sakanya na wala na dun sa nagreceive yung pera, naipasa na daw dun sa magpprocess ng pagsampa niya which is hindi na din sumasagot.
Nalulungkot ako pag naiisip ko yung mga pinagdaanan niya para lang makapag apprenticeship at matapos ang degree niya.
I hope someone na may alam sa ganito can help my boyfriend, and hirap din daw kasi na walang baker. Any suggestions kung saan may vacant for apprenticeship na pwede magpasa ng application. Kahit anong suggestions na pwedeng makahelp sakanya kasi nakakalungkot na nakikita siyang naffrustrate.
Kinoconsider niya na din na magchange ng career path kaso dito ba din siya bumabalik e. Ayoko naman ipilit din sa kanyan na mag change ng career kung ito talaga yung gusto niyang ifulfill. Gusto ko lang ma-achieve niya lahat ng gusto niya sa buhay.
Looking forward sa mga suggestions or payo ninyo. Maraming salamat! 🤍