DDS/BBM supporter to solid Leni
For context, die-hard DDS+BBM supporter yung tito ko. As in classic starter pack "respect my opinion" pero ang source ay based on chika at sabi-sabi ng mga kapitbahay x tropa.
Lately binigyan siya ng cellphone kasi gusto niyang mag-Facebook at messenger para updated daw siya sa mga ganap ng mga idolo niyang politiko. So sa isip ko, nako, another biktima na naman 'to ng mga fb reels and videos with dramatic background music about politics.
So bilang mabuting pamangkin, I started sending him videos, posts, links about Leni, Kiko, Bam, Risa, Diokno, etc. Tapos may bonus pang mga videos tungkol kina BabyM at Du30s na medyo... let's say hindi flaterring ang portrayal.
Ang catch? Since madali siyang maimpluwensyahan, ilang linggo lang may character develoment na siya. Now, certified maka-Leni na siya😭 Nakikipagbardagulan na sa comsec at nakikipagsagutan sa mga DDS at BBM real life friends niya😭😭🤣
So tunay nga, ang political ideology ng tao minsan hindi principles, ALGORITHM lang🤣