Is it a bad financial move to spend ₱23k+ upgrading my GF’s house if hindi sa kanila yung lupa?
Gusto ko lang mag-rant dito at humingi na rin ng advice kasi medyo nagtatalo ang utak at puso ko ngayon pagdating sa finances at sa relationship ko.
Para sa context, medyo salat sa buhay ang family ng GF ko at medyo kaawa-awa ang condition ng bahay nila. So far, marami-rami na rin akong naitulong sa kanila. Noong una, kulang-kulang talaga banyo nila—as in timba at tabo lang na walang maayos na gripo. Ako na ang gumastos para maayos ang linya ng tubig nila (na nakapangalan sa akin ngayon, live in na din kasi kami) at tinulungan ko silang magpagawa ng maayos na banyo.
Ngayon, marami pa ring kailangang ayusin.
- Wala silang sariling sampayan, kaya sa bubong sila nagpapatuyo ng damit. Meron silang tubong bakal pero sobrang taas, nakakangalay at sakit sa leeg lang ang aabutin mo.
- Sobrang init sa loob ng bahay kasi walang heat guard ang bubong. Wala ding exhaust
- Kapag umuulan, pumapasok ang tubig sa loob kasi walang canopy o sapat na bubong yung tapat ng pinto nila.
Plano ko sana silang tulungan ulit para sa mga susunod na upgrades na 'to, at base sa tantsa ko, aabot ng mahigit ₱23,000 pesos ang magagastos ko. May pera naman ako, actually malaki ang budget ko at hindi ko naman ito ikakahirap.
PERO ang pinakamalaking catch dito: "Hindi sa kanila nakapangalan ang bahay, at lalong hindi sa kanila yung lupa." In short, pwedeng-pwede silang paalisin doon anytime.
Mahal ko ang GF ko at gusto ko silang maging komportable, pero part of me is screaming na parang tinatapon ko lang ang pera ko sa asset ng ibang tao. Hindi ko alam kung nagiging madamot ba ako o nagiging praktikal lang.
Worth it ba itong ituring na "investment" para sa peace of mind at comfort nila, o dapat ba akong mag-preno na sa paggastos sa property na hindi naman sa kanila? Pasok ba 'to sa "charity" na lang, o masyado na akong nagiging savior complex dito?
TL;DR: May pera naman ako at gusto ko sana i-upgrade ang bahay ng GF ko (canopy, sampayan, heat guard worth ₱23k+) kasi medyo substandard ang living condition nila. Live in na kami. Pero hindi sa kanila ang bahay at lupa. Pwede silang paalisin anytime. Is it worth the money or am I just burning cash for someone else's property?