u/Early_Panic1463

Pagod na pagod ako nitong mga nakaraang linggo. WFH ako, but I also take care of my 1 year old daughter at syempre, I take care of household chores na rin. Palagi naman akong pagod, pero this week parang na-reach ko na talaga limit ko. My husband will help minsan kapag hindi siya ganon kapagod pagkauwi niya from work. Pero most of the time, nakatutok lang siya sa phone or computer niya.

Napansin ng parents ko yung pagod ko, kaya they volunteered na alagaan si baby from friday to sunday para makapagpahinga ako. Pumayag kami ni husband, and pagkasundo kay baby, nagpaalam si husband na mag-overnight siya sa family home nila and iinom sila ng friend niya. Go lang, kasi matagal na rin siya hindi nakakauwi at gusto niya rin talaga makabonding ulit family niya. Ako naman, I need some 'me time'. Medyo nakapagpahinga ako nung gabi, pero kulang pa rin. At the same time, need ko na rin maglaba dahil hindi ko maasikaso nung mga nakaraang araw dahil ang daming ibang gawain. Kaya kaninang umaga, naglaba agad ako pagkagising ko.

Yung husband ko naman,pagkauwi niya kanina, halos mapamura ako. Bitbit niya yung dalawang pamangkin niya (3 and 5 yo). Sa bahay daw matutulog, ni walang dalang damit o kahit ano kasi nagpumilit daw na sumama. Ni walang pasabi sa akin, tapos ang bungad agad e gutom na sila, magprepare daw ako ng pagkain.

Nakakagalit na imbes na pahinga ako today pagkatapos ko maglaba, kailangan ko pa mag-alaga ng dalawang bata. Galit na galit ako. Tapos yung pamangkin niyang 3yo, hindi pa kasi marunong maglinis after magpoop, parang hinintay pa ako ng asawa ko na ako yung maglinis sa bata. Kaya ginawa ko, umakyat ako sa kwarto namin, kaya yung 5 yo yung inutusan niyang maglinis dun sa 3 yo.

Yung husband ko naman, sumunod sa akin at nagtanong kung ba't ako nagagalit. Sabi ko I felt disrespected na wala man lang pasabi na dadalhin niya yung dalawang bata, at the same time, need ko ng pahinga at may plans na ako for the next few days para makapagrelax pero lahat yun nasira. Nakakagalit na ang sinabi niya lang sa akin "hindi ka naman pagod e, pupunta rin daw si mama, dito matutulog". Putangina. Isang asikasuhin na naman! Nakakagalit!

Ayun, umuwi ako sa parents ko, iniwan ko silang lahat sa bahay NAMIN.

reddit.com
u/Early_Panic1463 — 21 days ago