Mocamoca OD - what to expect?
Hello po! So far, tahimik lang po akong bystander dito na paminsan-minsan nagco-comment or nagme-message to show support sa iba. Pero ngayon, kailangan ko lang po talaga ng thoughts and advice niyo.
May loans po ako currently sa Mocamoca, Billease, Mabilis, and GLoan. Sa ngayon, si Mocamoca pa lang po ang overdue by one day, while yung iba naman ay due next week or sa mga susunod na weeks pa.
Honestly, gusto ko na po talagang tigilan yung tapal system kasi lalo lang akong nalulubog. Kaya napagdesisyunan ko na hayaan muna mag-overdue yung isa or dalawa sa kanila para makahinga kahit papaano and makapag-focus sa paunti-unting pagbangon financially. Plano ko pong isa-isahin sila hanggang matapos. Malapit ko na rin po matapos si Billease, and balak ko na rin tanggalin mismo yung account ko doon after.
Ask ko lang po sana, ano po kaya pwede kong i-expect kay Mocamoca once mag-start na maging overdue? Calls lang po ba, texts, emails, or may field visits din po ba?
Thank you po in advance sa sasagot 🙏