
Ganun talaga kalaki income sa vlogging no?
Ang galing. Nakapag-US na siya. Naalala ko nung bago pa lang siya sa vlogging/tiktok, yung unang vid na nakita ko sa kanya yung nag rereview ata sya for practice teaching ata yun or basta something related sa college studies niya. And I think that was barely 2 years or baka less than 2 years ago. No hate naman on her or whatever she has achieved. I'm just like genuinely amazed to see na parang ang bilis talaga ng pag-asenso ng ibang mga vloggers na katulad niya lalo yung iba na nakikita ko sa mga dati nilang vids na di rin naman ganun ka-extravagant ang lifestyle before. Sabihin ko sana mag career shift na lang ako at baka dito pa ko yumaman kaso sobrang introverted kong tao so parang di ko rin keri. 😂