u/Easy-Rock1203

▲ 0 r/peyups

INCOMING FRESHIE: Posible po bang pag natanggap sa Manual Appeal sa UPOU(UP Open University) habang enrolled/pumapasok na sa backup school (Local University) ay tanggapin pa rin ni OU?

​

Since di po guaranteed kung tatanggapin ni UP at kailangan may backup uni para masecure ang College,

need ko pong mag-enroll pansamantala sa backup university kung saan magsisimula na po yung opisyal na face-to-face classes ng July, ang problema ko po is based sa mga nakikita kong posts, , pwedeng late July o early to mid Aug ang labasan ng resulta ng Manual Appeals

Ibig sabihin po, kung sakaling papalarin ako sa UPOU ngayong Agosto tas nakapasok na po ako ng mga 3 to 4 weeks sa backup school ko. Kung mag-wi-withdraw po ako agad sa kanila sa mismong araw o day after na lumabas ang result, ano po ang magiging status ko sa UP Admissions?

  1. Tatanggapin pa rin po ba ako ng UPOU bilang FRESHMAN (at hindi transferee) kung makakakuha ako sa backup school ko ng Certificate of No Academic Record (Zero Units Earned) at form 138 kahit nag-start na ang klase roon?

  2. May nakagawa na po ba rito ng ganito na pumasok muna pansamantala sa ibang school ng ilang linggo habang naghihintay ng late UP appeals result, tapos nag-withdraw at tinanggap pa rin bilang freshie sa UP dahil zero ang units earned (no acad record) ?

  3. Ligtas pa rin ba stamp na status ng local university sa Form 138 ko "Withdrawn with Honorable Dismissal"? Nababawi po ba ang orig na Form 138?

Baka po may naka-experience na po nitoooo. Sobrang nakakakaba po kasi baka ma-void ang slot ko bilang freshie kung biglang ituring akong transferee na kulang sa units.

Maraming salamat po sa inyo!!! 🥹🥹🥹🥹

reddit.com
u/Easy-Rock1203 — 7 days ago