u/Easy_Rip_3142

Problem/Goal:

Hindi ko alam kung valid ba na mainis ako kasi yung cheating ex ko ay naging jowa na ngayon ng kapatid ng boyfriend ko. Gusto ko lang maintindihan kung normal ba ‘tong nararamdaman ko or dapat wala na akong pakialam.

Context:

Need ko lang ilabas ‘to kasi sobrang mixed ng emotions ko ngayon and hindi ko alam kung valid pa ba ‘tong inis ko or OA na ako.

So ayun, first boyfriend ko nung JHS hanggang SHS — tumagal kami ng around 3 years. Kaso hindi siya perfect relationship, actually sobrang toxic. Ilang beses ko siyang nahuli na nambabae, as in paulit-ulit. Pero aminado ako, marupok ako. Kapag mahal ko talaga yung tao, sobrang hirap akong bitawan kahit nasasaktan na ako. Kaya naging on-and-off kami.

Then bago kami mag-college, nakipag-break siya sakin kasi “study first” daw. Siyempre ako, naniwala. Pero kinabukasan lang, nahuli ko siya may kasama nang ibang babae. Doon ko na-realize na parang excuse lang talaga yung sinabi niya.

Fast forward, nag-college ako. Same school kami ng ex ko. Doon ko rin nakilala yung naging “someone” ko — now boyfriend ko na. Sobrang opposite niya sa ex ko. As in green flag. Respectful, consistent, walang kalokohan. First time ko ma-feel yung healthy relationship.

Pero bago kami maging official, parang ginugulo pa rin kami ng ex ko. Nagchachat siya, nagyayaya makipagkita, tumatawag sa Messenger, bumabati pag birthday ko, etc. Hanggang sa umabot na lang sa point na sine-seen ko na lang siya at tuluyan ko siyang inignore.

Ngayon, 5 years na kami ng boyfriend ko. Okay na okay kami. Tahimik na buhay, walang drama. One day, nahuli ko na magkachat yung kapatid ng boyfriend ko at yung ex ko. Same school kasi sila and same course, kaya doon sila nagkakilala. Nung una, hindi ko masyadong pinansin kasi akala ko friends lang. Pero sinabi ko pa rin sa kapatid ng bf ko na ex ko yun at warningan ko siya — sinabi ko na babaero at manloloko yun based sa experience ko.

Akala ko gets niya.

Pero after 4 months… inamin niya sakin na sila na.

As in nanlumo ako at nainis. Hindi ko ma-explain. Parang feeling ko ang epal ng ex ko — like, sa dami ng babae sa mundo, bakit sa kapatid pa ng bf ko? Hindi ba niya alam? Or wala lang talaga siyang pakialam?

At the same time, naiinis din ako sa kapatid ng bf ko. Kasi sinabi ko na lahat pero pinili pa rin niya.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko naman na mahal ex ko, and masaya ako sa current relationship ko. Pero bakit ganito ako kainis? Parang ang gulo lang.

Valid ba ‘tong nararamdaman ko? Or dapat wala na akong pakialam?

Previous Attempts:

Sinabi ko sa kapatid ng boyfriend ko yung buong history namin ng ex ko as a warning

Inignore ko na totally yung ex ko para wala nang connection

Tinry kong i-brush off nung una at isipin na baka friends lang sila

Pero ngayon na sila na, hindi ko na alam paano i-handle yung nararamdaman kong inis at discomfort.

reddit.com
u/Easy_Rip_3142 — 1 month ago