u/EconomicsFantastic91

First time kong nagkaroon ng kakaibang first date experience

May kuwento ako, nagreto yung friend ko ng isang guy na kilala niya sa work niya, nagtext kami hi hello, what anime are you watching, hobbies, gym ek ek, hanggang umabot ang pagkyukyutan naming sa isa't isa sa first date sa isang cafe.

Ayun, napapunta yung kuwentuhan namin sa mga diet kasi magsusummer na at excited ako magsuot ng pangswimming. Sinabi ko na low-carb, low-calorie, high protein and fiber yung ginagawa ko, tas nagsabi siya ng parang first time ko siya marinig na Palayo at Keto diet. Na parang pinaka sinaunang tao siya kumain, yun

Yung una, hindi daw siya kumakain ng hindi natural, which is, okay, healthy living, sana ol. Pero yung depinisyon niya ng "hindi natural" ay walang gmo, pesticides at walang mga nakalagay na hindi niya alam na additive chemical at hindi niya kayang I-pronounce.

Prinank ko ng kaunti at pinakita ko yung ingredient na Sodium Cloride (as in, asin)

Sabi daw hindi daw niya alam yun o kayang i-pronounce, ekis sa kaniyang Palayo diet

So sinabi ko. "That's salt babe."

Tas nagsungit kaunti si kuya boy.

May isa pa siyang kakaibang sinabi noong dumating yung Sweet Potato dessert ko.

Ang sabi ko, hindi ko maalala ano yung tagalog ng Sweet Potato. Daling-dali ko sinabi yung Bahay Kubo para mahanap yung tarantando na yun.

Bigla siyang nagsabi na hindi daw siya kumakain ng gulay... na wala sa kanta ng "Bahay Kubo". Akala ko joke, pero hindi, dedma lang siya sa tawa ko lol

Ang rason niya sa hindi siya kumakain ng gulay na wala sa Bahay kubo, ay dahil hindi natural ang gulay na yun para sa mga Pilipino, hindi daw nag-evolve yung gulay na yun sa pulo ng Pilipinas. Ansabi niya "What grows together, goes together. Hindi naman dito yan nag-originate, i-alis mo na yan sa diet mo. Toxic."

Sinabi ko sa kanya, kasi naalala ko na wala naman tayong kamatis sa Pilipinas before tayo sinakop ng Spain dahil galing mga yun sa south America noong galleon trade. Natural pa ba yung kamatis na nasa Bahay Kubo kahit hindi sila native. Natural at healthy pa ba pag ikaw na mismo nagtanim. Paano naman ang mga mestizo mestiza, na halimbawa, Pilipino at Italiano. Combination hybrid diet ba na may kasamang paella, pasta, and rice para balanced yung nutrition.

Hindi na siya umimik tas mukhang nagagalit pa si kuya boi na binubully ko daw siya

BULLYING

HALOS 28 YEARS OLD NA KAMING DALAWA

BULLYING SA PAGTATANONG

Nabusog bigla ako sa kape, tinake out ko nalang yung sweet potato dessert ko at nag-grab pauwi. Hinding hindi na uulit ng reto yung friend ko. Hanggang ngayon seenzone siya, di ko na siya tinext.

Ginoogle ko padating sa bahay

Ang tagalog ng sweet potato ay kamote pala hahayst amp

EDIT: Hindi Palayo diet, kundi Paleo diet aahaha, sorry nasobrahan kasi ako sa Bahay Kubo diet ni guy 🙏

reddit.com
u/EconomicsFantastic91 — 21 days ago