My sister is selling the house my mother has worked hard for all her life
Problem/Goal: Binebenta ng panganay kong kapatid ang bahay na tinitirhan namin for almost 15 years.
Context: Tatlo kaming magkakapatid. Pangalawa ako. Namatay nanay ko 4 years ago after being diagnosed of cancer. After niya namatay, umalis na sa house sister ko (panganay). So kami na lang ng bunso kong kapatid tumira sa bahay. No contact siya samin and never nangamusta (entirely different story kung bakit pero majority of it is, hindi approve ng family husband niya now). Nabalitaan namin na nagpakasal na siya and may anak na. After how many years, bumalik siya sa bahay para sabihing gusto niya ibenta ang bahay. Ang mali lang ng mom ko is, sa kanya nakapangalan bahay. I know legally, wala kaming habol. Pero any advice will be highly appreciated. Sobrang unfocus ko ngayon knowing na anytime, pwede kaming mawalan ng bahay.
Previous Attempts: Ginawa niya na to dati. Binenta rin niya yung isang lupa na binili ng mum ko pero nakapangalan sa kanya. Pero hindi niya kami binigyan kahit isang kusing.