u/Educational_Mud_6392

Wink laser, alin ba mas sulit?

Hello po! Recently saved a decent amount of money as someone who just graduated hehe and was looking to splurge for myself. Been wanting to get laser hair removal (underarm and lower legs) and was researching sa packages ng wink (and skinstation but mas sulit daw sa wink). Nabasa ko na kakaunting sessions palang daw ay nababawasan daw agad ang buhok kaya napaisip ako if by session ba yung i-a-avail ko o yung package mismo? Medyo mabigat din kasi ang package haha. Ano po kaya mas okay?

reddit.com
u/Educational_Mud_6392 — 7 days ago

Sana di matuloy ang celebration

Just recently graduated with latin honors. Pinost ni dad. Etong relatives niya, specifically mga kapatid, panay congrats sa comment and sa pm, matalino daw pala ako. Ayaw maniwala yarn? Haha (consistent honor student na ako since preschool tas iniinvite din sila ni dad minsan pag trip niya magceleb with his relatives.) Parang degrading pakinggan nung comment nila pero sige nalang. Tas may dugtong pang "saan ang celebration" both pm and sa comment ng post.

Anyway, ayun, nagusap usap pa sila via pm. Maayos daw talaga pag well provided ang anak. Yes, well provided naman talaga. Hatid sundo ako at binibigyan ako ng baon (not monetary, pagkain mismo kaya ayun, halos walang savings, di rin ako nakakagala with friends haha.) Nahihiya rin akong humingi syempre kasi nasa private school na nila ako pinapaaral tas ang mahal. Kung may gusto akong gamit, pumupunta ako sa chinatown. Kung gusto ko naman ng mga damit, sa ukay ako pumupunta kasi yun lang din afford ko. Nung nagthesis na ako, nagtrabaho ako ng part time pambili ng parts na kailangan namin para sa project, di ako humingi sa mga magulang ko ng pera. Kaso yung mga sinasabi ng mga kamag-anak ko parang spoiled na spoiled ako. Eh hindi naman 🤦‍♀️ Pero syempre grateful ako sa parents ko sa lahat ng prinovide nila sakin.

Ngayon, nagdidiscuss na sila kung san daw magcecelebrate. Sila pa ang nagdedecide sa time, hindi kami/ako 🙄 Tas kadalasan pag nasa restaurant na kami kung ano inoorder nila tas di naman nila inuubos. Minsan nagtatakeout pa hahahaha 🖕

Pakiramdam ko magpaparinig nanaman yung isang kapatid ni papa na magpapatulong bumili ng sasakyan sa kanya kasi wala na siyang pinapa-aral 🥴 Kainis talaga mga taong ganito. Ayaw ko talagang nakikipagmeet sa side ni papa kasi panay lang naman sila hingi. Pakiramdam ko rin ipepressure na rin nila akong magtrabaho para makahingi na rin sila sakin. Kasi sa tingin nila na in demand yung course na kinuha ko. Sana di matuloy ang celebration haha, kapagod makipagplastican. (Kung ibigay nalang ni dad yung ililibre niya sa kanila sa akin edi masaya sana lol)

reddit.com
u/Educational_Mud_6392 — 9 days ago